Moto-taxi: Ang Modernong Tagapaghatid ng mga Pilipino

Image Source: Motorcycle (MC) taxis (2024). INQUIRER.net stock images

Sa panahon ngayon, kung saan ang trapiko sa Pilipinas ay tila ba isang puzzle na hindi masolusyonan, isang sektor ng transportasyon ang patuloy na sumasabay sa agos ng modernisasyon—ang mga motorcycle taxis o moto-taxi. Hindi maikakaila ang kanilang ambag sa mabilisang transportasyon, lalo na sa mga lungsod na kilala sa pagkakaroon ng  masikip na daloy ng trapiko gaya ng Caloocan at Quezon City, Manila. Ngunit sa kabila ng pagiging mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na biyahe ng maraming Pilipino, alam niyo bang hindi pa rin legal ang mga ito?

 

By Jomar Abellare and Ren Argana
March 25, 2025

 

Bakit mahalaga ang moto-taxi?

Ang mga moto-taxi tulad ng “Angkas”, “Move It”, at “Joyride” ay naging sagot sa problema ng commuting sa Pilipinas. Sa halip na matrapik sa loob ng sasakyan nang maraming oras, may opsyon na ngayon ang mga commuters na makarating sa destinasyon nila nang mabilisan.  

 

Bukod sa bilis, may isa pang dahilan kung bakit patok ito—kabuhayan. Para sa maraming riders, ang moto-taxi ang pangunahing pinagkukunan nila ng kita. Ayon sa datos ng LTFRB nitong January ngayong taon, halos 60,000 riders ang nagtatrabaho sa ilalim ng mga motorcycle taxi companies, at patuloy pang tumataas ang demand sa serbisyo ng mga operasyong ito. 

Image Source: Cabalza, D. & Ramos, M. (2025). Still no law on motorcycle taxis; 60K jobs at stake. INQUIRER PLUS
Image Source: Cabalza, D. & Ramos, M. (2025). Still no law on motorcycle taxis; 60K jobs at stake. INQUIRER PLUS

Kailan ito magiging legal?

Isa sa pinakamalaking isyu na kinakaharap ng moto-taxi industry ay ang kawalan ng malinaw na batas na magbibigay ng legal na operasyon sa mga ito. Sa ngayon, ang mga kumpanyang Angkas, Joyride, at Move It ay patuloy pa ring nakapailalim sa tinatawag na "pilot study"—isang pansamantalang programa ng gobyerno upang pag-aralan kung ligtas at epektibo ang paggamit ng motorsiklo bilang pampublikong transportasyon.

Ayon sa ulat nina Ramos at Cabalza (2025), nananatiling walang pormal na batas na kumikilala sa motorcycle taxis bilang lehitimong transport service, kaya’t mahigit 60,000 trabaho ang posibleng mawala kung sakaling ipagbawal ito sa hinaharap. Dahil dito, patuloy ang panawagan ng mga riders at mambabatas na aprubahan na ang House Bill 10424 na naglalayong gawing legal at regulated ang kanilang operasyon.

Ang mga hamong kinakaharap ng mga Moto-Taxi Riders

Hindi lang kawalan ng batas ang problema ng mga moto-taxi riders. Marami pang isyung dapat tugunan upang mas mapabuti ang kanilang serbisyo at proteksyon:

  • Kaligtasan sa Kalsada - Dahil ang motorsiklo ay mas prone sa aksidente, isa sa pangunahing alalahanin ng gobyerno at publiko ay ang road safety ng parehong rider at pasahero. Ayon sa Land Transportation Office (LTO), malaking porsyento ng vehicular accidents sa bansa ay nagmumula sa mga motorsiklo.

    Halimbawa na lamang ang isang aksidenteng naging sanhi ng pagkamatay ng isang babaeng pasero ng isang ride-hailing app nitong March 19 lamang. “The female passenger of the motorcycle slid underneath the truck and was run over by it. Her head was damaged as her helmet was broken into pieces” (GMA Integrated News, 2025).

 

  • Isyu sa Regulasyon at Permit  - Sa ilalim ng kasalukuyang sistema, may limitadong bilang lamang ng riders na pinapayagang mag-operate, na siyang nagiging hadlang para sa iba pang gustong magtrabaho bilang moto-taxi driver.

 

  • Hindi Stable na Kita - Dahil nakadepende ang kita ng mga riders sa demand ng pasahero at surge pricing, may mga araw na sapat lang ang kita para sa gasolina at maintenance ng kanilang motor.

 

  • Kaligtasan ng mga Pasahero - Isa pang malaking isyu ay ang seguridad ng mga pasahero. Dahil walang malinaw na regulasyon, may mga naiulat ng kaso ng pekeng riders na nagpapanggap bilang moto-taxi drivers upang makapangloko o mang-harass ng mga pasahero. Umabot pa sa kasong rape ang kinakaharap ng isang rider ng isang motorcycle taxi.

 

“Pinaghahanap na ng mga tauhan ng pulisya ang isang motorcycle taxi driver na inireklamo ng isang 21-anyos nitong babaeng pasahero na umano’y kanyang ginahasa sa loob ng isang motel sa Sta. Cruz, Maynila, kamakailan” (Garcia, D. 2023).

 

Dahil sa insedenteng ito, maraming commuters ang nananawagan para sa mas mahigpit na identity verification para sa mga riders upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari.

Ano ang Hinaharap ng Moto-Taxi sa Pilipinas?

Kasalukuyang isinusulong ng mga senador tulad nina Grace Poe at Raffy Tulfo ang mabilisang pagpasa ng batas na magre-regulate sa industriya ng moto-taxi. Ayon kay Santos (2025), suportado rin ito ng maraming commuters na umaasang magpapatuloy ang serbisyong ito nang may sapat na regulasyon para sa kanilang kaligtasan.

 

Ayon sa Manila Standard (2025), kahit walang pormal na batas, maaaring payagan ng LTFRB na magpatuloy ang operasyon ng mga moto-taxi sa ilalim ng pilot study. Ngunit upang masigurong magiging long-term at sustainable ang industriya, kailangang gawing pormal ang kanilang legal na katayuan.

Ang moto-taxi bilang transportasyong Pilipino

Nasubukan mo na bang sumakay sa isang moto-taxi? Kumusta ang naging experience mo? Ano ang mga nakikita mong problema sa sistema ng moto-taxi sa Pilipinas? Sang-ayon ka ba na gawing legal at ganap na regulated ang moto-taxi industry? Bakit oo o hindi? Pag-isipan at pag-usapan natin! 

 

Dahil sa dulo ng diskusyon, isa lang ang malinaw—ang moto-taxi ay hindi lang simpleng alternatibong transportasyon, kundi isang necessity sa buhay ng maraming Pilipino. Hindi lang ito nakatitipid ng oras ng commuters, nagbibigay rin ito ng hanapbuhay sa libu-libong riders sa bansa.

At sa kabila ng mga hamong kinakaharap ng industriya, ang Angkas, Joyride, Move It, at iba pang motorcycle taxi services ay patuloy na magiging modernong tagapaghatid ng mga Pilipino.

References:

Angkas reaffirms commitment to commuter safety with 24/7 emergency accident fund. (2024, June 1). Inquirer. https://newsinfo.inquirer.net/1778153/angkas-reaffirms-commitment-to-commuter-safety-with-24-7-emergency-accident-fund 

Bacelonia, W. (2025, January 14). Regulate MC taxi industry for public safety. Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1241766   

Begas, B. (2024, July 3. Brosas seeks adequate insurance for motorcycle taxi riders. Politiko. https://politiko.com.ph/2024/07/03/brosas-seeks-adequate-insurance-for-motorcycle-taxi-riders/politiko-lokal/ 

Enactment of Moto-Taxi Law to Enhance Commuter Safety and Job Creation. (2025, January 26).  Philippine Star Ngayon. https://www.philstar.com/business/2025/01/26/2416821/enactment-moto-taxi-law-enhance-commuter-safety-job-creation 

Garcia, D. (2023, September 8). Babaeng pasahero, ni-rape ng rider.  Philippine Start Ngayon. https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2023/09/08/2294636/babaeng-pasahero-ni-rape-ng-rider 

Manalo, J. (2025, December 10). LTO vows stricter regulation of motorcycle taxis. Philippine Daily Inquirer. https://newsinfo.inquirer.net/2014103/lto-vows-stricter-regulation-of-motorcycle-taxis 

Motorcycle passenger died after being run over by a truck in Manila. (2024, March 19). GMA Integrated News. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/metro/939851/motorcycle-passenger-died-after-being-run-over-by-truck-in-manila/story/ 

Moto-taxi regulation discussions (2025, January 14). Philstar Global. https://m.facebook.com/watch/?v=9161990757220647&vanity=philstarnews 

Ramos, M. Cabalza, D. (2025, January 15). Still no law on motorcycle taxis; 60K jobs at stake. Philippine Daily Inquirer. https://plus.inquirer.net/news/still-no-law-on-motorcycle-taxis-60k-jobs-at-stake  

Superable, R. (2025, January 19). Poe says LTFRB can allow motorcycle taxis to continue services. Manila Standard. https://manilastandard.net/news/314548357/poe-says-ltfrb-can-allow-motorcycle-taxis-to-continue-services.html

Santos, T. (2025, January 20). Poe: Enough time for motorcycle taxi law?. Philippine Daily Inquirer. https://newsinfo.inquirer.net/2026279/poe-enough-time-for-motorcycle-taxi-law

Zaldarriaga, J. (2025, January 20). Regulate MC taxi industry for public safety. Philstar Global. https://www.philstar.com/business/2025/01/23/2416128/regulate-mc-taxiindustry-public-safety 

 

Anong masasabi mo sa usaping ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top