HUWAG KANG PEYK NYUS, SIS!: ISANG PASILIP SA MUNDO NG CONTENT CREATION SA PILIPINAS
Image source: MostlyBlogging.com
“Viral”, “trending”, “Engagement”-- mga salitang tila ba ay musika sa tenga ng isang content creator. Kayamanan o kalbaryo? Yan ang tanong na sumasalubong sa sinumang nagtatangkang pumasok sa larangan ng content creation sa Pilipinas. Sa isang bansang puno ng kompetisyon at mabilisang pag-usbong ng mga uso, ang paglikha ng content ay maaaring maging hamon o isang daan para sa kasikatan. Ito rin ay isang simbolo ng mga bagong talento na nagpapatunay sa husay at pagkamalikhain ng bawat Pilipino."
By Jervie Masibag and Quinn Villanueva
April 2, 2025
Ang mundo ng Content Creation
Ano nga ba ang content creation? Sa pinakasimpleng salita, ito ay ang proseso ng paggawa ng mga bagay na digital, tulad ng mga video, article, pictures, pati na rin ang mga audio, na may layuning mang engganyo at makapagbigay ng entertainment at impormasyon para sa mga target audience. Pwede itong maging isang form ng post sa mga social media platforms gaya ng Tiktok, Facebook, Instagram, at X, o kaya naman ay isang vlog na makikita sa YouTube, o isang artikulo na mababasa sa isang website. Ang susi sa paggawa ng content ay ang kakayahang makapaghatid ng mensahe sa creative na paraan. Isang halimbawa ang content creator na si Esynr. Siya ay nagpakita ng iba’t ibang karakter na siya rin ang gumanap upang magpahayag ng isang nakakatawang kwento o skit na nakapagbibigay nostalgia sa mga manonood. Siya ay gumamit ng humor para mapakita ang kanyang kahusayan sa paglikha ng kwento at pagpapanatili ng interes ng kanyang audience.

Ang mga Content Creators sa Pilipinas
Internet, Gadget, at lakas ng loob lang ang kadalasang kailangan ng isang aspiring content creator kaya naman ang industriya ng content creation sa bansa ay patuloy na lumalaki at umuunlad, Narito ang ilang sikat at mahuhusay na content creator sa Pilipinas:
Sa larangan ng Tiktok;
- Niana Guerrero - Mayroon siyang mahigit 41.5 million followers at kilala sa kanyang mga dance covers at orihinal na sayaw. Ang kanyang mga video ay madalas na nagiging viral dahil sa kanyang nakakamanghang talento.
Video Source: @nianaguerero/TikTok (2021)
- Andrea Brillantes (@blythe/Tiktok) - Mayroon siyang mahigit 19.7 million followers at kilala bilang "TikTok Queen." Gumagawa siya ng iba't ibang uri ng content, gaya ng dance covers, skits, at vlogs.
Video Source: @blythe/TikTok (2021)
Sa larangan ng YouTube;
- Ivana Alawi - Isa sa mga pinakasikat na vlogger sa Pilipinas, kilala sa kanyang mga vlogs tungkol sa kanyang buhay at mga travel experiences. Mayroon siyang 18.7 Million Subscribers sa YouTube.

- Zeinab Harake - Kilala sa kanyang mga vlogs, makeup tutorials, at mga fashion hauls. Mayroon siyang mahigit 14 million subscribers sa kaniyang YouTube Channel.

Sa larangan ng Instagram;
- Rod Ruales - Mayroon siyang 398.5k followers at ang kanyang content ay nakatuon sa parenting, at nature and outdoor content.
Instagram Account: @ninjarod (https://www.instagram.com/ninjarod?igsh=MWk4M3JvNGF6dnlmOQ==)
- Patricia Henson - Mayroon siyang 274.5k followers at ang kanyang content ay nakatuon sa fashion, modeling, at iba pa.
Instagram Account: @patriciahenson (https://www.instagram.com/patriciahenson?igsh=dGxyazJsZWgzczFt)
Ang Papel ng mga Content Creators noong panahon ng pandemya hanggang sa kasalukuyan
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga personalidad na nagamit ang kanilang plataporma upang magbigay ng impormasyon at aliw sa mga Pilipino sa social media. Nag-ambag sila sa mas malawak na diskurso at pakikipag-ugnayan sa online community. Ang kanilang presensya ay nagpapakita ng impluwensiya ng social media sa pagbabahagi ng impormasyon at kultura ng Pilipinas.
Ang mga content creators ay may malaking ambag sa ating lipunan, lalo na noong panahon ng pandemya. Naging tulay ito sa komunikasyon, naging daan sa pamamahagi ng impormasyon at pagpapahayag ng kanilang mga karanasan, at nagbigay ng aliw sa mga tao na nakakulong sa kanilang mga tahanan.
- Pinagmumulan ng impormasyon: Maraming content creators ang nagbabahagi ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga disease, mga health protocols, at mga available na tulong mula sa gobyerno.

- Pinagmumulan ng Aliw: Sa gitna ng takot at kawalan ng katiyakan, nagbigay ng aliw ang mga content creators sa pamamagitan ng mga nakakatawang video, nakaka-inspire na kwento, at pags-stream ng mga online games


- Pinagmumulan ng kita: Maraming content creators ang nakahanap ng paraan para kumita sa panahon ng pandemic sa pamamagitan ng online advertising, sponsorships, at iba pang paraan. Naging isang alternatibong daan ito upang may mapagkuhaan ng mapagkakakitaan.
- Pagpapalaganap ng kamulatan: Naging epektibong paraan din ang content creation sa pagpapalaganap ng kamulatan sa iba’t-ibang issue, tulad ng mental health awareness at environmental protection.

Mahalaga ang papel ng mga content creator sa Pilipinas. Sila ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng mga brand at mga consumer, nagpapalaganap ng mga produkto at serbisyo, at nagbibigay ng impormasyon at aliw sa mga tao. Ngunit tunay bang namamanipula rin nito ang ating isipan?
Ang Papel ng mga Content Creators noong panahon ng pandemya hanggang sa kasalukuyan
Ang fake news ay may malalim na koneksyon sa content creators at sa proseso ng content creation, lalo na sa konteksto ng social media at digital platforms.
“The rise of fake news is just one of the many ways in which the digital age is changing publishing as we know it. The more videos, articles, and images we publish, the harder it becomes for readers to trust what they read on sites like Google News and Yahoo Search Results (Alves, 2022)".
Kamakailan lang, 39 online content creators at influencers ang hindi nagpakita sa House probe ukol sa pagkalat ng fake news online noong Pebrero. Inakusahan ng mga content creators na ang probe ay isang paglabag sa kanilang kalayaan sa pananalita.
Ayon sa ulat ng GMA News (2025), ang mga content creators na hindi dumalo ay naghain ng petition para sa temporary restraining order (TRO) sa Supreme Court, na nagsasabi na ang probe ay laban sa kanilang konstitusyonal na karapatan sa kalayaan sa pananalita. Ang mga content creators ay nag-aakusa na ang probe ay pinupuntirya si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang kanyang pamilya, at ang kanilang mga kaalyado.

Ang pangyayari na ito ay may malaking implikasyon sa hinaharap ng content creation sa Pilipinas. Paano makasisiguro na ang mga online platform ay ligtas at maaasahan? Ano ang balanse sa pagitan ng kalayaan ng pananalita at ng responsibilidad sa pagkontrol sa maling impormasyon? Ano kaya ang naging hinaing ng mga netizens ukol dito?
“Eh di kung hindi chismis bakit naduduwag na humarap. bahag pla mga buntot eh.mga nagmamagaling kc” saad ng nag komentong netizen

“wala na kasing kredibilidad ang mga quadcom eh o kahit anong neym pa gamitin nila! HINDI nga cla deserve gumamit ng salitang com in good goverment eh na cla din ang membro” ani ng isa.

“Influencer ang tatapang sa channel nila pero sa Kamara tiklop na.” sabi naman ng isa.

“Kawawa naman tricom walang pumunta kc puro ipacontempt kung hindi sasang ayon sa kanila sa pagsabi ng yes. Sabi binabastos at minumura sila. Bakit si abante pastor pa mandin pero nagmumura. Tama ba iyan. Matapang lang kayo kc nasa kongreso kayo” komento naman ng isa.

Iba't ibang hinaing, komento, at batikos ang natamo ng isyu. Sa iyong palagay, sa pamamagitan ng pagsasama-samang pananaw, ebidensya, at mga kwento, kalayaan ba natin ang paggawa at pagkakalat ng pekeng balita? Kalayaang bumoses?
Fake News bilang Malayang pagpapayahag

Sa kontensktong ito na isinulat ni Roas (2022), ang freedom of speech ay mahalaga, pero hindi nangangahulugan na pwede tayong magkalat ng maling impormasyon. Kailangan nating maging responsable sa pagbabahagi ng mga bagay online.
Ang mga content creators ay may malaking impluwensiya sa mga tao. Ang kanilang content ay nagbibigay ng kaalaman, aliw, at inspirasyon. Pero may posibilidad din ito ng pagkakalat ng fake news. Ang freedom of speech ay mahalaga, pero hindi ito nangangahulugang pwede nating ipagsawalang-bahala ang katotohanan. Ang paglaban sa fake news ay responsibilidad ng bawat isa.
Fake News! as a Dilemma

Sa panahon ng internet at social media, ang pekeng balita o fake news ay isang lumalaking problema. Ito ay mga artikulo, video, o iba pang uri ng content na naglalaman ng maling impormasyon o sinadya na pagbaluktot ng katotohanan. Ang layunin ng pekeng balita ay mang-udyok, magpakalat ng takot, o makakuha ng pansin.
Paano Makikilala ang Pekeng Balita?
- Tignan ang source - Ang mga website o social media account na naglalathala ng pekeng balita ay kadalasang hindi mapagkakatiwalaan. Maghanap ng mga kilala at mapagkakatiwalaang source ng mga balita.
- Basahin ang buong artikulo - Ang mga headline ng pekeng balita ay madalas na nakakaakit ng atensyon, ngunit ang katawan ng artikulo ay maaaring maglaman ng mga maling impormasyon.
- Suriin ang mga larawan at video - Ang mga larawan at video ay maaaring manipulahin o gawa lamang ng AI. Maghanap ng mga karagdagang source upang kumpirmahin ang kredibilidad ng mga ito.
- Mag-ingat sa mga headline na nakakaakit ng atensyon - Ang mga headline na naglalaman ng mga salitang "shocking", "urgent", o "exclusive" ay maaaring tanda ng malicious or unconfirmed news.
Ang pagiging maingat at kritikal sa mga impormasyon na ating nakukuha ay mahalaga sa panahon ng internet at social media. Tandaan na ang mga pekeng balita ay maaaring magdulot ng malaking pinsala, kaya't mahalaga na maprotektahan ang ating sarili at ang ating mga mahal sa buhay.
Kaaliwan o Kasakiman?
Sa kabila ng mga hamon, ang mga content creator ay patuloy na naghahanap ng mga bagong paraan upang maibahagi ang kanilang mga talento at kaalaman sa mundo. Ang kanilang mga likhang content ay nagpapalakas ng mga boses, nagtuturo ng bagong mga bagay, at nagbibigay ng inspirasyon sa milyon-milyong tao. Sa pamamagitan ng pagiging mapanuri, responsable, at maingat, ang mga content creators ay may kapangyarihan na hubugin ang kinabukasan ng online na komunidad, at mag-ambag sa isang mas makatarungan at mas mapayapang mundo.
Ang kanilang mga pagsisikap ay nagpapatunay na ang online na mundo ay puno ng mga posibilidad, at ang mga content creators ay nagsisilbing mga tagapagtaguyod ng pagbabago at pag-unlad. Sama-sama, maaari nating gamitin ang kapangyarihan ng content creation para sa kabutihan ng lahat. Sa tingin mo, ano ang responsibilidad ng mga content creators sa pagtiyak ng katotohanan at pagpigil sa pagkalat ng maling impormasyon sa kanilang mga plataporma, at paano nila maitataguyod ang isang mas responsable at mapagkakatiwalaang online na komunidad?
References:
ALAMIN: Paano maging online seller at kumita ng pera kahit nasa quarantine? (2020, May 27). https://youtu.be/D82GIE7MoY8?si=PTkmUPMdWZSo-Z6K
Alawi, I. (2022, January 15). OUR COVID JOURNEY!. Ivana Alawi Youtube Channel. https://www.youtube.com/watch?v=uLLDopvQOHM
Alvez, R. (2022, October 12). How To Succeed as a Content Creator in the Age of Fake News. Medium. https://medium.com/engage/how-to-succeed-as-a-content-creator-in-the-age-of-fake-news-3787e05e0a38
Bautista, R. (2021, September 23). Esnyr Ranollo’s tiktok videos are here to remind you of the happy times going to school. Nylon. https://nylonmanila.com/pop-culture/esnyr-ranollos-tiktok-videos-throwback-pinoy-school-life/
Brillantes, A. (2021, January 12). Fun Pajama Party Dance. @blythe Tiktok Profile. https://www.tiktok.com/@blythe/video/6916747781742791938?_r=1&_t=ZS-8v8tQFpbQMk
Casilang, D. (2019, October 19). How to Apply to the Doctor to the Barrio Program of the Department of Health? | 3 Easy Steps. Doctor Dalvie Youtube Channel. https://youtu.be/JYI5--ixfkw?si=EKB59_ZNGnGDXNPW
Cheung, J. (2022, April 5). Mental Health Awareness During COVID-19. Dr Jacqueline Cheung (Psychiatrist). https://youtu.be/Cm-mHHoh324?si=RLQ-nzBWNmksulo3
Guerero, N. (2022, June 5). Zoom Challenge. @nianaguerero Tiktok Profile. https://www.tiktok.com/@nianaguerrero/video/7105743488368626970?is_from_webapp=1&sender_device=pc&web_id=7398538897469408784
Harake, Z. (2017). Screenshot from Zeinab Harake Youtube Channel. Zeinab Harake Vlogs. https://www.youtube.com/@zeinabharakevlogs
Howe, S. (2021, May 3). Social media statistics in the Philippines. Meltwater. https://www.meltwater.com/en/blog/social-media-statistics-philippines
JOWA NI LASSY PINADALHAN KAMI NG PASALUBONG (2021, January 12). Beks Battalion Youtube Channel. https://www.youtube.com/watch?v=1LQAK2mebfA
Panti, L. T. (2025, February 4). 39 content creators no-show at House probe on fake news, cites freedom of speech. GMA Integrated News. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/935108/39-content-creators-no-show-at-house-probe-on-fake-news-cites-freedom-of-speech/story/
Roas, E. C. (2022, May 18). The fine line between fake news and freedom of speech. King College London. https://www.kcl.ac.uk/the-fine-line-between-fake-news-and-freedom-of-speech
7 types of fake news identified to curb its use (2019, November 19). The Times of India. https://timesofindia.indiatimes.com/science/7-types-of-fake-news-identified-to-curb-its-use/amp_articleshow/72118699.cms
Wald, J. (2023, February 9). Content Creation Framework: 5 Steps To Improve Your Content Strategy For 2023. Mostly Blogging. https://www.mostlyblogging.com/content-creation-framework/