Berde at Pula: Ang impluwensya ng mga simbolo sa Politika

Image Source: Rinoza (2022). Benar News

By Jomar Abellare and Ren Argana
April 22, 2025

Sa panahon ng halalan sa Pilipinas, hindi lamang ang pangalan ng kandidato ang pinag-uusapan—nariyan din ang kani-kanilang mga simbolo ‘gaya ng agila, tigre, lugaw, at rosas o hindi kaya ang iba't ibang kulay na nagrerepresenta ng kanilang pampolitikang pagkakakilanlan. Ito rin ang nagiging paraan ng isang politiko na makilala, matandaan, at tumatak sa masa ang kanilang numero at pangalan.

Ang mga simbolong ito ay hindi lamang mga palamuti, nagsisilbi rin ito bilang mabisang kasangkapan sa kampanya ng mga tumatakbong kandidato. Ang paggamit ng mga partikular na kulay, hayop, pagkain, bagay, o kahit simpleng hand gesture ay maaaring magsilbing game changer para sa kanilang laban. Maalala ng mga botante ang kanilang mga plataporma, at dahil sa paulit-ulit na exposure sa mga simbolong ito sa social media, campaign sorties, at mga kagamitan sa kampanya, unti-unti rin itong nakatutulong sa paggawa ng desisyon kung sinong iboboto ng taong bayan. Ang mga simbolong ito ay nagkakaroon ng emosyonal at kultural na kahulugan na minsan ay mas matimbang pa kaysa sa konkretong adbokasiya o track record ng isang politiko at kandidatong naihahalal.

Ang Simbolo ng mga Politiko

Sa kasalukuyang estado ng halalan sa bansa, tila hindi kumpleto ang isang kandidato kung wala itong sariling simbolo. Mula sa magagarbong kulay katulad ng pula, rosas, dilaw, at berde hanggang sa mga repleksyon ng kandidato sa hayop, pagkain, at hand gestures katulad ng peace sign o fist bomb na inuugnay sa kanila, ang mga politiko ay aktibong lumilikha ng mga simbolong magpapakilala sa kanilang katauhan. Kung atin natin itong iisipin, ang ganitong gawain sa panahon ng halalan ay hindi na basta “estratehiya” lamang, kundi isa nang bahagi ng kultura ng politika sa Pilipinas.

Dagdag pa dito, ang paraan ng paggamit ng mga simbolong ito ay “imaheng makamasa” at “madaling tandaan” at sa pamamagitan rito, nakakabuo ng koneksyon ang mga kandidatong tumatakbo sa mga botanteng Pilipino.

Image Source: Philippines Campaign Election (2022). Alamy
Image Source: Philippines Campaign Election (2022). Alamy
Image Source: Philippines Campaign Election (2022). Alamy
Image Source: Philippines Campaign Election (2022). Alamy
Image Source: Philippines Campaign Election (2022). Alamy
Image Source: Philippines Campaign Election (2022). Alamy

Ang Impluwensya ng mga Simbolo sa Pagboto ng Publiko

Tuwing panahon ng kampanya, ang eleksyon sa Pilipinas ay hindi lamang maituturing na isang seryosong pagsusuri ng mga plataporma kundi maituturing rin bilang “political spectacle” kung saan, parang may palabas o teleserye na may mga karakter, drama, at kwento na sinusubaybayan ang masa. Dahil dito, mas inuuna ng politiko ang imaheng kaniyang binubuo upang makuha ang tiwala, simpatya, at boto ng publiko. Sa kabilang banda ganito rin ang nagiging repleksyon nito sa masa, makikita natin ang epekto nito sa mga taga-suporta ng isang kandito at kilala sila sa bansag na “die-hard supporters”. Sa ganitong konteksto, ang simbolo ng mga politikong ito ay hindi lamang nagsisilbing palamuti o dekorasyon—ito rin ay nakakatulong na bumuo ng naratibong inilalahad ng mga kandito sa publiko.

Magandang halimbawa na lang nito ay ang malalaking rally na may makukulay na ilaw, magarbong entablado, at masisiglang performances. Paggamit ng mga bata, kahirapan, at problema sa mga advertisment, pag-iyak sa kamera o pagsayaw ng mga trending dance o pagbubudots sa mga online platforms, at mga talumpating puno ng matatamis na salita at emosyonal na damdamin.

Image Source: Negros Oriental, Philippines; Election posters of different candidates and party-list organizations cluttering the roadside in Dumaguete City (2022). Shutterstock.com
Image Source: Negros Oriental, Philippines; Election posters of different candidates and party-list organizations cluttering the roadside in Dumaguete City (2022). Shutterstock.com

Isa pang magandang halimbawa ng epekto ng isang impluwensya ng mga politiko sa publiko ay ang na naitampok sa isang segment ng Kapuso mo, Jessica Soho na pinamagatang “Bahay Mo Boto” kung saan ang magkapitbahay na itinampok ay dinala ang kanilang pananaw sa politika sa ibang lebel.

 

Ayon pa sa report si Mario ang may-ari ng isang bahay ay buo ang suporta na mayroon para kay Vice President Leni Robredo at Senator KiKo Pangilinan habang ang kapitbahay at kanyang pinsan naman na si Joseph ay suportado si Bongbong Marcos na ngayon ay pangulo na ng bansa.

Image Source: These neighbors in Bulacan took their opposing political views to a whole different level (2022). GMA News
Image Source: These neighbors in Bulacan took their opposing political views to a whole different level (2022). GMA News

Paano naaapektuhan ng mga simbolo ang matalinong pagboto? 

Ang paggamit ng simbolo sa kampanya ay may dalawang mukha—maaaring ito ay makatulong sa pagboto, o maging hadlang sa mas malalim na pag-unawa sa kakayahan ng mga kandidato.

Sa positibong pananaw, ang simbolo ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng mga kandidato at ng publiko. Dahil hindi lahat ng botante ay may kakayahang malaman o makisali sa mahahabang talakayan tungkol sa mga plataporma o debate, ang simpleng kulay o imahe ay nakakatulong sa kanila upang makilala at maalala ang mga kandidato. Lalo na sa mga taong nasa laylayan ng lipunan, ang makamasang imahe na dala ng simbolo ay nagbibigay ng koneksyon at representasyon sa mga taong ito at kadalasan, ‘yon lamang ang ginagawang basehan ng mga tao.

Kaya naman nagkakaroon ng alinlangan na ang pagboto ay magiging mababaw dahil ito ay ibinabatay na lamang sa mga simbolo katulad ng paboritong kulay, hayop, o emosyonal na imahe at hindi sa konkretong plataporma, kakayahan, at track record ng mga tumatakbo. Ang mga simbolo ay maaaring magtakip sa mga isyung dapat pagtuunan ng pansin, gaya ng katiwalian, kapabayaan, o kawalan ng konkretong plano ng kandidato. Kapag ang imahe ng isang kandito ang naging basehan ng kampanya at hindi ang record na meron ito, nagkakaroon ng pag-iisangtabi sa tunay na layunin ng halalan bilang isang mekanismo ng responsableng pagpili ng tapat, may prinsipyo, at maasahang politiko para sa publiko. Sa ganitong konteksto, mas nagiging kompetisyon ng branding ang halalan kaysa sa pagtalakay at pag-aayos ng mga suliraning meron ang bansa.

Image Source: Manila Mayor Isko Moreno (white shirt) greets supporters during a motorcade in the capital city promoting his 2022 presidential campaign (2022) Benar News
Image Source: Vice President Leni Robredo speaks to supporters in her hometown Naga city in the Bicol region as she launches her campaign for Philippine president (2022). Benar News

Rinoza (2022). Benar News

Image Source: Rinoza (2022). Benar News

Sa pula o sa puti?

Sa kabuuan, ang simbolo sa kampanya, maging ito man ay kulay, imahe, hayop, pagkain, o kilos—ay may malalim na epekto sa paghubog ng politika sa Pilipinas. Ito ay nagsisilbing mabisang kasangkapan upang makilala at matandaan ang isang kandidato na tumatakbo, lalo na sa panahong ang impormasyon ay mabilis kumalat at ang atensyon ng publiko ay madaling makuha. Subalit, habang makatutulong ito sa mga kandidato sa pagbibigay ng identidad at koneksyon sa masa, hindi rin maikakaila na maaari itong humadlang sa mas masusing pagsusuri ng tunay na kakayahan at plataporma ng isang politiko.

Dahil dito, mahalagang tanungin ng bawat botante ang sarili—tayo ba ay bumoboto dahil sa simbolo, o dahil sa prinsipyo? Ang halalan ay hindi dapat maging kompetisyon ng ganda ng kulay o lakas ng sigaw sa entablado, kundi isang seryosong pagkakataon upang pumili ng karapat-dapat na kandidato na tunay na magsisilbi sa publiko. Sa huli, nasa kamay pa rin ng mamamayan ang kapangyarihang magsuri, magtanong, at bumoto nang may kamalayan dahil higit pa sa mga simbolo ito ang kinabukasan ng bansang Pilipinas.

References:

Acayan, E. (2013, February 12). Manila Philippines 12th February 2013 Administration Senatorial Candidates. https://www.alamy.com/stock-photo-manila-philippines-12th-february-2013-administration-senatorial-candidates-53642008.html

Cabigas, S. (2022, February 4). A staff of incarcerated Senator Leila de Lima represents her during the campaign rally in Cebu, Philippines. Alamy. https://www.alamy.com/a-staff-of-incarcerated-senator-leila-de-lima-represents-her-during-the-campaign-rally-in-cebu-philippines-image462797329.html

Elemia, C, See, A. B. & Rinoza, J. (2022, February 8). Philippine Presidential Candidates Kick Off Campaigns. Benar News. https://www.benarnews.org/english/news/philippine/campaigns-start-02082022132848.html

Imago (2022, May 11). MANDALUYONG CITY, May 11, 2022 -- Presidential candidate Ferdinand Marcos Jr. greets his supporters at the campaign headquarters in Mandaluyong City, the Philippines on May 11, 2022. Marcos won a landslide victory in Monday s Philippine presidential election. Alamy. https://www.alamy.com/220511-mandaluyong-city-may-11-2022-presidential-candidate-ferdinand-marcos-jr-greets-his-supporters-at-the-campaign-headquarters-in-mandaluyong-city-the-philippines-on-may-11-2022-marcos-won-a-landslide-victory-in-monday-s-philippine-presidential-election-strxinhua-philippines-mandaluyong-city-election-stringer-publicationxnotxinxchn-image565225516.html

lito_lakwatsero (n.d.). Philippines campaign. Shuttershock. https://www.shutterstock.com/image-photo/negros-oriental-philippines-april-29-2022-2152067389

JCB (2022, May 18). These neighbors in Bulacan took their opposing political views to a whole different level. GMA Network. https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/content/832062/these-neighbors-in-bulacan-took-their-opposing-political-views-to-a-whole-different-level/story/

Anong masasabi mo sa usaping ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top