Sulat ng Nakaraan: Ang Baybayin Bilang Nawawalang Pahina ng Kasaysayan

By Jomar Abellare and Ren Argana
April 17, 2025

Mayaman ang ating kultura, pero isang mahalagang bahagi nito—ang Baybayin—ay unti-unti nang nawawala. Masyado tayong nakatuon sa mga modernong bagay kaya ang mga naunang pamamaraan ng pagpapahayag at pagsusulat ay unti-unti na nating nalilimutan.

Sa gitna ng digital na panahon, hindi na natin naaalala ang sarili nating sistema ng pagsulat. Nakakalungkot isipin na mas pamilyar pa tayo sa mga foreign font kaysa sa mga titik na ginamit ng ating mga ninuno, at kung iisipin natin, ang Baybayin ay hindi lang kasaysayan—ito ay isang mahiwagang pamana.

Panahon na para balikan ang pahinang iyon. Ang bahagi ng ating pagkakakilanlan na matagal nang naisasantabi at hindi nabibigyan ng pansin—ang pagsulat gamit ang Baybayin.

Baybayin bilang Repleksyon ng Kulturang Pilipino at Pagkakakilanlan

Noong unang panahon, bago pa dumating ang mga dayuhan, ang mga Pilipino ay kilala dahil sa naiiba at likas na pamamaraan ng pakikipagkomunikasyon. Ang Baybayin ay isang sinaunang sistema ng pagsulat na ginagamit ng mga katutubong Pilipino.

‎Sa pamamagitan ng paraan na pagsulat na ito, naipapahayag nila ang kanilang damdamin, karanasan, paniniwala, at kaalaman na makikita sa naiibang guhit, simbolo, at letra ng Baybayin. Ang lahat ng ito ay hindi lamang nagpapakita ng damdamin ng pagkabilang para sa mga Pilipino kundi nagpapakita rin ito ng kasaysayan at karunungan na ipinasa mula sa isang henerasyon patungo sa mga susunod.

Maliban sa isang paraan ng pagsulat, ang Baybayin rin ay nagsisilbing salamin ng kultura. Ang pagkakaroon ng ganitong sariling panitikan ay patunay na may sariling pagkakakilanlan ang mga Pilipino noong unang panahon. Bukod pa rito, ito rin ay nagpapakita ng mayabong na sining ng Pilipinas. Makikita ang mga ito sa nakaraan at kasalukuyan katulad ng mga tattoo, disenyo sa kasuotan, logo ng mga pangkabuhayan at disenyo sa mga imprastraktura.

Image Source: Baybayin Tattoos: Ancient Filipino Script as Modern Body Art (2024). Tatuagem Blog
Image Source: Baybayin Tattoos: Ancient Filipino Script as Modern Body Art (2024). Tatuagem Blog
Image Source: Check Out These Filipino Brands in Baybayin! (2015). When in Manila
Image Source: Check Out These Filipino Brands in Baybayin! (2015). When in Manila
Image Source: Philippine Independence Day 2009 (2009). Flickr
Image Source: Philippine Independence Day 2009 (2009). Flickr

Ngunit higit sa estetikong itsura, Ang Baybayin ay isang kulturang pamana. Ang muling paggamit at pag-aaral nito ay hindi lamang pagbuhay sa nakaraan, kundi pagpapatuloy ng isang kasaysayan. Kung atin itong susumahin, ang baybayin ay buhay na simbolo ng ating kultura at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

Baybayin: Ang Orihinal na Titik ng Bayan

Baybayin ang sinaunang paraan ng pagsulat na ginagamit ng mga katutubo bago pa dumating ang mga Kastila. Halos lahat ng simbolo ay kumakatawan sa isang pantig (Pino, Mendoza, & Sambayan, 2023). At may sariling feel ang Baybayin: curvy, elegant, at Pinoy na Pinoy.

Image Source: Wikimedia Commons (2009)
Image Source: Wikimedia Commons (2009)

Dati, hindi lang ito sulat, hindi lang pang-komunikasyon. Sining ito. Para ipahayag kung sino tayo, kung ano ang ating pagkakakilanlan, at ipakita kung ano ang ating mga kakayahan.

Ang Sulat ay Identidad: Higit Pa sa Simbolo

Hindi lang ito isang lumang sistema ng pagsulat, ito ay isang representasyon ng ating pagkatao.

Ayon kay Velasco (2022), kung muling mabubuhay ang Baybayin, maghahatid ito ng mas malalim na cultural resurgence. Katulad ng Hangeul sa Korea at Kanji sa Japan, pwede itong maging simbolo ng ating identidad bilang mga Pilipino.

Kapag tinanggal mo ang wika, nawawala ang boses. Pero kapag binawi mo ang sulat—maaring maibalik ang nalilimutang diwa.

Pananakop at Pagkalimot: Paano Nabaon sa Limot ang Baybayin?

Noong dumating ang mga Kastila, unti-unting pinalitan ang Baybayin ng sistema nila—ang mga titik ng krus. Ipinilit nila ang Latin alphabet, at ang edukasyon ay sinunod sa pamantayang Kanluranin (The National News, 2019). Kasama nito ang pagbabago sa wika, pananampalataya, at panitikan.

Hindi lamang nawala ang Baybayin sa papel—nawala ito sa kamalayan ng maraming Pilipino. Sa bawat salin ng aklat na banyaga, sa bawat talumpati sa wikang Espanyol, unti-unting naisantabi ang ating sariling anyo ng pagsulat. Ito ay hindi basta simpleng pagpapalit ng letra; ito ay pagputol ng ugnayan sa ating pinagmulan.

Dahil dito, hindi naipasa ang Baybayin sa mga sumunod na henerasyon. Nagkaroon tayo ng disconnect—isang puwang sa pagitan ng ating kasalukuyang pagkatao at ng mayamang kasaysayang naghubog sa atin. At sa matagal na panahon, nanatiling tahimik ang mga titik ng ating nakaraan.

Buhay Pa... Pero Mahina ang Pintig

Buhay pa rin naman ang Baybayin, pero kumbaga sa internet, mahina na ang signal nito. Nakikita natin siya sa ilang tattoos, mga logos, o murals sa kalye. Pero tanong lang, for aesthetic purposes lang ba siya? O may mas malalim pa na ibig sabihin?

Baybayin Tattoos

Image Source: Dandy_Cody, as used in Preview PH, 2022
Image Source: Dandy_Cody, as used in Preview PH, 2022

Baybayin Street Art

Image Source: Filipeanut Art (2023)
Image Source: Filipeanut Art (2023)

Sabi ng Philippine News Agency (2023), may mga bills na ngayon sa kongreso para bigyan ng proper recognition ang Baybayin. Inintegrate na nga rin siya sa mga banknotes, passports, at mga logos ng gobyerno.

Baybayin on Banknotes

Image Source: GMANetwork (2018)
Image Source: GMANetwork (2018)

Baybayin on Philippine Passport

Image Source: Wikipedia, 2016, as used in Esquire PH (2020)
Image Source: Wikipedia, 2016, as used in Esquire PH (2020)

Baybayin in Government Logos

Image Source: Manila Standard Net (2024)
Image Source: Manila Standard Net (2024)

Mga Problemang kinakaharap ng Paggamit sa Baybayin sa Kasalukuyan

Sa muling pagbabalik ng interes sa Baybayin, ang sinaunang sistema ng pagsusulat ng mga Pilipino, maraming suliranin ang lumilitaw kaugnay sa tamang paggamit nito. Isa sa mga pangunahing problema ay ang kakulangan sa kaalaman ng publiko tungkol sa wastong gamit ng Baybayin. Marami sa mga gumagamit nito sa kasalukuyan, lalo na sa social media at komersyal na mga produkto, ang nagkakamali sa baybay, posisyon, o pagsasalin. Dahil dito, nalilihis ang tunay na kahulugan ng mga salita at nawawala ang orihinal na layunin ng paggamit nito.

Dagdag pa rito, mayroon ring pagkakaiba-iba ng interpretasyon sa Baybayin dahil sa pagkakaroon nito ng maraming bareyte o bersyon sa iba't ibang rehiyon ng Pilipinas. Bawat pangkat-etniko ay may kaniya-kaniyang paraan ng pagsulat, na maaaring magdulot ng kalituhan sa mga nais matuto at gumamit nito. Ilan sa mga halimbawa ng mga ito ay ang:

 

  • Maling Komersyalisasyon at Kakulangan sa Kaalaman

Sa kasalukuyang panahon, ang interes ng ng paggamit ng Baybayin ay tumaas, katulad na lang ng paggamit nito bilang logo, tattoo, at disenyo sa mga kasuotan at mga produkto ngunit marami sa kanila ay may maling baybay o kahulugan na maaaring magdulot ng maling o hindi wastong impormasyon.

Image Source:  In-update na pala ng PNP ang maling baybayin sa banner nila sa may Crame, pero mali pa rin (2023). Reddit
Image Source: In-update na pala ng PNP ang maling baybayin sa banner nila sa may Crame, pero mali pa rin (2023). Reddit

Isang halimbawa nito ang sumilkat na post ng isang netizen sa social media sa platapormang reddit kung saan ayon sa kaniya “In-update na pala ng PNP ang maling baybayin sa banner nila sa may Crame, pero mali pa rin.”

Ayon rin sa kaniya ay mali ang paggamit ng mga baybayin at bawat letra na ibinaybay. Makikita naman sa ibaba ng litrato ang kayang bersyon ng tamang pagbaybay sa naturang banner.

 

  • Pagkakaiba ng Interpretasyon 

 

Dahil sa iba't ibang bersyon at estilo na mayroon ang baybayin sa mga rehiyon sa Pilipinas, ito ay nagiging sanhi ng kalituhan kung alin ang dapat ituring na pamantayan sa paggamit nito.

Subalit sa kabila ng mga ito, patuloy ang paggamit ng naturang pamamaraan ng pagsulat ng mga Pilipino. Noong 2018 pinasa ang “House bill 1022 na nakilala bilang National Writing System Act.” Iminungkahi ritong kilalanin ang Baybayin bilang bahagi ng pambansang sistema ng pagsulat.

Sa kabila ng mga suliranin ukol rito, nananatiling mahalaga ang Baybayin bilang bahagi ng ating pagkakakilanlan. Kinakailangan lamang ang mas malalim na edukasyon, wastong paggamit, at respeto sa yaman ng ating panitikan at kasaysayan.

Hamon ng Panahon: Isusulat Mo Pa Rin Ba?

Ang pag-aaral muli ng Baybayin ay hindi naman mahirap. Magsimula sa mga simpleng bagay.

Pwede mo itong gamitin sa journals, artworks, o kahit love letters. I-print mo sa t-shirts, banners, o ilagay sa iyong social media headers. Ang mahalaga, hindi nalilimot nang tuluyan, may nagsusulat pa at nagsusulat muli.

Image Source: Reddit/Baybayin Script (2022)
Image Source: Reddit/Baybayin Script (2022)

Kaya bago tayo muling mag-scroll at makalimot, narito ang isang tanong para sa ating lahat:

Dapat ba nating isulat ang sarili nating kasaysayan nang magkakasama?

Baka ito na ang pagkakataon nating magsimula. Simulang isulat muli sa mga papel, sa mga dingding, sa social media, o kahit sa paggawa ng sining at paglalabas ng damdamin. Dahil sa bawat titik ng Baybayin na ating binubuhay, binubuo rin natin ang kabanata ng ating pagkatao—hindi para sa mabababaw na dahilan, kundi bilang isang simbolo ng ating mayabong na kasaysayan.

References:

Adriatico, A. (2023, December 17). NHCP unveils official logo for Emilio Jacinto’s 150th birth anniversary. Manila Standard. https://manilastandard.net/arts-life/314537388/nhcp-unveils-official-logo-for-emilio-jacintos-150th-birth-anniversary.html

AFP (2019, July 31). The revival of Baybayin – an ancient Philippines script ripped up by colonisation. The National. https://www.thenationalnews.com/arts-culture/music/the-revival-of-baybayin-an-ancient-philippines-script-ripped-up-by-colonisation-1.892860

Arsua, K. (2015, August 21). Check Out These Filipino Brands in Baybayin!. When in Manila. https://www.wheninmanila.com/check-out-these-filipino-brands-in-baybayin/

Angeles, M. (2018, February 21). Is Baybayin really set to change the way we write?. GMA News. https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/artandculture/664480/is-baybayin-really-set-to-change-the-way-we-write/story/

Balbutin, A. J. (2023, June 9). Baybayin mural as an urban expression of identity. Filipeanut Art. https://filipeanut.art/baybayin-in-public-places-and-shops/

Baybayin syllabary showing ancient Filipino characters (2009, June 12). Wikimedia Commons. https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:Baybayin_Card_v1.png

Baybayin Tattoos: Ancient Filipino Script as Modern Body Art (2025). Tatuagem Blog. https://www.tatuagemblog.com/post/baybayin-tattoo-embracing-the-ancient-filipino-script

Cana, P. J. (2020, May 29). Baybayin script on the Philippine passport: What it means and why it matters. Esquire Philippines. https://www.esquiremag.ph/culture/design/baybayin-script-passport-meaning-a00289-20200529

Francisco, B. & Fojas, I. (2022, April 29). Modern expressions of Baybayin through tattoos. Preview PH. https://www.preview.ph/beauty/baybayin-tattoo-ideas-a2052-20220429

Flip One (2009, June 15). Philippine Independence Day 2009. Flickr. https://www.flickr.com/photos/flip-1/3627846917

Glenzzl (2020, April 25). Philippine passport (2016 edition) Baybayin. Wikipedia. https://en.m.wikipedia.org/wiki/File:Philippine_passport_(2016_edition)_Baybayin.jpg

House committee approves Baybayin as national writing system (2018, April 23). ABS-CBN News. https://www.abs-cbn.com/life/04/23/18/house-committee-approves-baybayin-as-national-writing-system

Lu, B. J. (2023, August 9). Preserving our cultural heritage: The revival of Baybayin. Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/opinion/pieces/733-preserving-our-cultural-heritage-the-revival-of-baybayin

ManoSkrpt (2022, September 18). MALAKAS in Baybayin. Malakas Tayo!. Reddit. https://www.reddit.com/r/baybayin_script/comments/xh5zjx/malakas_in_baybayin_malakas_tayo/

Pilosopoako (2022, November 24). In-update na pala ng PNP ang maling baybayin sa banner nila sa may Crame, pero mali pa rin. Reddit. https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/z3lbxn/inupdate_na_pala_ng_pnp_ang_maling_baybayin_sa/

Severino, H. (2024, October 19). Essay: The vanishing heroes and heritage on our money. GMA News. https://www.gmanetwork.com/regionaltv/features/104605/essay-the-vanishing-heroes-and-heritage-on-our-money/story/

Anong masasabi mo sa usaping ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top