Share mo lang?: Ang Politika sa Kamay ng Social Media

Image Source: The Constant Revolution (2018)

By Altea, Mora, Kristine De Mesa, and Remo Nicdao
April 24, 2025

 

Karamihan sa mga Pinoy ngayon ay active na sa social media. Ayon sa pinakabagong datos ng datareportal noong Enero ngayong taon, 90.8 milyong mamamayang Pilipino ang gumagamit ng social media sa araw-araw nilang buhay. Halos umaabot ito sa 78% ng kabuuang populasyon ng ating bansa.

Dahil sa dami ng gumagamit, marami rin tayong nababasa sa araw-araw nating pag-o-online, tulad ng isyu ng mga artista, balita patungkol sa mga aksidente o sakuna, at ang pinakamainit sa lahat, ang mga pangyayari sa gobyerno at politika. Maraming mga status, o post ngayon sa social media ay patungkol dito lalo na ngayong nalalapit na ang eleksyon. Fake news, misinformation, twisting of history, troll farms, at kung ano-ano pa. Ilan lamang ‘yan sa klase ng mga posts na makikita sa internet patungkol sa politika sa ating bansa.

Sa paglipas ng panahon, hindi natin namamalayan na parami nang parami na ang mga gumagamit ng social media sa bansa. Parami na rin nang parami ang mga status patungkol sa mga nakaupong politiko, at mga kasalukuyang tumatakbo para sa pwesto. Mga post na maaring maglaman ng positibo o negatibong pahayag patungkol sa mga ito.

Politika at Social Media

Ang politika ay ang pamamalakad ng pamahalaan at ang pagkakamit at paggamit ng kapangyarihan sa isang bansa. Ito ay ang paggawa ng desisyon at ugnayan ng kapangyarihan sa lipunan. Ang pamahalaan ay binubuo ng mga politiko, at ang pag-kontrol ng politiko sa kapangyarihan sa lipunan ng isang bansa ay tinatawag na politika. Ang social media naman ay mga digital na plataporma kung saan ang mga tao ay maaaring lumikha at magbahagi ng saloobin at nalalaman, at makipag-ugnayan sa iba online—dalawang magkaibang bagay ang politika at social media, ngunit mayroon itong isang koneksyon, at ‘yon ay ang mga mamamayang Pilipino.

Image Source: Opinyon (2023)
Image Source: Opinyon (2023)

Malakas ang hatak ng social media saan mang larangan ito gamitin. Sa business man, career, promotion, lalong-lalo na sa politika. Nagiging daan ang social media upang marinig ang political opinion ng isang tao. Nasasabi sa likod ng teknolohiya, sa loob ng apat na sulok ng selpon, ang mga suliraning kinakaharap ng publiko. Hindi lang ‘yon, nagiging paraan din ito upang ma-call out o maisiwalat ang mga katiwaliang ginagawa ng mga opisyales ng gobyerno.  Ngunit, hindi lahat ng post sa social media ay totoo. Marami ang nagpapakalat ng maling impormasyon at hate sa ilang mga kandidato at sa mga ginagawa o sinasabi ng mga ito. Meron ding mga taong mema lang—mema post, mema share, at memasabi lang sa mga isyu sa gobyerno kahit na hindi sapat ang kaalaman nila rito.

What's on your mind?

Performative. maraming ganiyan sa social media. Mga taong nais makisali sa usapan kahit na hindi nag-research at bias sa mga kandidatong sinusuportahan. Mga taong egoistic at nagpapanggap na palaban. Ang mundo ng politika ay napakakomplikado, ang pagkakaroon ng saloobin dito ay hindi masama, ngunit madalas, ang pagkomento rito ay nangangailan ng sapat na kaalaman. Ang social media ay makapangyarihan, at paniguradong marami ang mga naniniwala sa mga post na dumadaan. Kaya naman, hindi pwedeng basta-basta lang ang  pagsh-share ng nararamdaman, lalo na kung tungkol sa politika. Hindi sapat ang opinyon lamang, kailangan may pag-aaral, pagsusuri, at pag-unawa.

Image Source: Fulcrum (2022)
Image Source: Fulcrum (2022)

Ang mga politiko sa social media

Ngunit, hindi lang mga taong bayan ang nakikinabang sa social media, ito ay ginagamit rin ng mga politiko upang mapalapit sa puso ng mga mamamayan. Marami ang nagbukas ng tiktok account dahil marami sa mga botante ngayon ay mga kabataan. Gumagawa rin sila ng mga edit at nakikipag-collab sa mga content creators at influencers upang ikampanya ang kanilang mga sarili at ipahayag ang kanilang mga plataporma.

Ang paggamit ng social media ay isang matalinong estratihiya, PR kumbaga, Patok ito sa mga tao at nae-expose nang mabuti ang mga politiko at ang kanilang mga pangalan.

Mix and Match, o MisMatch?

Gayunpaman, hindi mabuting bagay ang social media sa lahat ng oras. Nariyan ang trolling, fake news, at pag-aaway ng mga taong may iba't ibang sinusuportahan. Sa internet, may mga pangalang nasisira, at mga relasyong nagkakaroon ng hidwaan dahil sa pagkakaiba ng opinyon at sinusuportahan. Kaya naman, importante ang pagkakaroon ng research at pagfa-fact check ng mga nakikita. Ang pagkakaroon ng kaalaman at ebidensya ang siyang makakatulong sa iyo sa pagsulong ng iyong adbokasiya. Ito ang magiging pundasyon ng mga argumentong iyong ihahayag, at ang susuporta sa mga kandidatong nais mong ipaglaban.

Image Source: Vera Files (2022)
Image Source: Vera Files (2022)

Laging tandaan na ang pagpo-post ay may consequences ‘pag hindi nagawa nang tama at ‘pag may natamaan. Ang pagkakaisa ay magiging malaking tulong lalo na sa oras ng botohan. Ang mga botante ang siyang magdedesisyon kung ano ang kanilang magiging kinabukasan at ang mga shini-share sa facebook, nire-repost sa tiktok, at pino-post sa X ay isang malaking factor sa paggawa ng desisyong ito. Maging mapanuri, at laging manindigan sa tama. Ang integridad ang siyang dapat manguna at ang emosyon ay dapat isantabi muna. Ang mga kandidatong ikakampanya at susuportahan ang siyang repleksyon ng iyong pagkatao kaya siguraduhin na sa bawat click, ikaw ay sigurado at walang pagsisisihan sa dulo.

References:

Arugay, A. A. (2022, April 14). Stronger Social Media Influence in the 2022 Philippine Elections. Fulcrum. https://fulcrum.sg/stronger-social-media-influence-in-the-2022-philippine-elections/

Kemp, S. (2025, February 25). DATAREPORTAL. https://datareportal.com/reports/digital-2025-philippines?hl=en-US#:~:text=The%20Philippines%20was%20home%20to,percent%20of%20the%20total%20population.

Paolo (2018, June 22). Why I No Longer Comment on Politics on Social Media. The Constant Revolution. https://www.theconstantrevolution.com/why-i-no-longer-comment-on-politics-on-social-media/

Pinili, R. (2023, May 25). Office Politics in the Philippines: A Fresh Look at an Age-Old Game. Opinyon. https://opinyon.net/national/office-politics-in-the-philippines-a-fresh-look-at-an-age-old-game#title

VERA FILES FACT CHECK: FAKE Robredo quote card on election results circulates anew (2022, December 50). Vera Files. https://verafiles.org/articles/vera-files-fact-check-fake-robredo-quote-card-on-election-results-circulates-anew

 

Anong masasabi mo sa usaping ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top