PINTA AT PISTA: A JOURNEY THROUGH VIBRANT CELEBRATIONs IN THE PHILIPPINES

Image Source: Sinulog Festival in Cebu: Celebrate the Sinulog Festival 2025 (Philippines) (2024). SouthPole Central Hotel

By Jaysel Hilario and Charity Cumpa
March 21, 2025

Ang Pilipinas ay kilala bilang isang relihiyosong bansa na may mayamang kultura na makikita sa ating mga kaugalian, tradisyon, at paniniwala. Isa sa mga tradisyong ito ay ang pagdiriwang ng mga piyesta na naglalayong alalahanin ang kahalagahan na pagyamanin ang bawat tradisyon sa iba’t ibang lugar ng bansa. Isa itong okasyon kung saan nagsasama-sama ang mga tao upang ipagdiwang ang kasaysayan at relihiyon ng kanilang lugar. Sa bawat piyesta, makikita ang masayang sayawan, engrandeng parada, at masasarap na putahe na inihahanda. Ito rin ay isang paraan upang ipakita ang ating pananampalataya at pasasalamat sa mga biyayang ating natatanggap. 

Image Source: 12 festivals in the Philippines (2019). Holidify
Image Source: 12 festivals in the Philippines (2019). Holidify

Ang mga pista na ito ay mahalaga at pinaghahandaan nang mabuti at buwan ito kung pagplanuhan. Ngunit, paano nga ba ito idinaraos noong taon na may pandemya kung saan—bawal lumabas ang mga tao, bawal makipagsalo-salo, at ang pagbuo o paglahok ng mga selebrasyon ay mahigpit na ipinagbabawal ng gobyerno.

Image Source: Philippine Fiestas During the Pandemic (2024). Xillium
Image Source: Philippine Fiestas During the Pandemic (2024). Xillium

Naganap ang isa sa pinakamahigpit na lockdown noong taong 2020–2022 dahil sa Covid-19 pandemic, napakaraming ipinagbabawal at ang mga lungsod ay hindi pinapayagang magsagawa ng iba’t-ibang klase ng pagtitipon. Ngunit, hindi nagpatinag ang espirito ng selebrasyon ng mga pistahan dahil kanila pa ring ipinagdiwang ito sa kani-kanilang mga bahay. Tulad na lamang ng Dinagyang festival sa Iloilo, Sinulog Festival ng Cebu, at Ati-atihan Festival ng Kalibo. Nagkaroon ang mga pistang ito ng virtual celebration na umabot sa apat na oras na livestream sa kani-kanilang mga social media pages

Image Source: 500th Year Anniversary of the Arrival of the Image of Sto. Nino in PH Highlighted During Virtual Celebration of Sto. Nino Sinulog Festival in Rottenburg-Stuttgart (2021). Balikbayan Magazine
Image Source: 500th Year Anniversary of the Arrival of the Image of Sto. Nino in PH Highlighted During Virtual Celebration of Sto. Nino Sinulog Festival in Rottenburg-Stuttgart (2021). Balikbayan Magazine

Wala mang engrandeng parada, salo-salo, o mga street dancing, hindi pa rin maikakaila ang paniniwala at katatagan ng pananampalataya sa ating kultura at tradisyon. Masasabi talaga natin na hindi tayo matitibag ng mga problemang dumadaan. Makagagawa pa rin ng paraan ang bawat pilipino na pausbungin ang ating taunang tradisyon, ano man ang sumasagabal dito.

Image Source: Fernandez. H. (2021). Philippine Festivals: Vibrant Occasions Honoring History and Culture. Asterra
Image Source: Fernandez. H. (2021). Philippine Festivals: Vibrant Occasions Honoring History and Culture. Asterra

Simula naman noong taong 2023 hanggang sa kasalukuyan, patuloy na ipinagdiriwang ang ating mga kinaugaliang pistahan. 

 

Ano-ano nga ba ang mga pistang idinaraos ng bawat Pilipino kada taon? At bakit ito mahalaga sa pagpapalaganap ng kultura at tradisyon? Bakit napakahalaga nitong ipagdiwang na kahit anong pandemya ang dumaan ay ginagawan pa rin ito ng paraan? 

IBA’T IBANG PISTA SA PILIPINAS

Image Source: 4 Unmissable Philippine Festivals In 2022 & 2023 (2018). Asap Tickets
Image Source: 4 Unmissable Philippine Festivals In 2022 & 2023 (2018). Asap Tickets
Photo Source: Fernandez. H. (2021). Philippine Festivals: Vibrant Occasions Honoring History and Culture. Asterra

Image Source: Fernandez. H. (2021). Philippine Festivals: Vibrant Occasions Honoring History and Culture. Asterra

Pista at Relihiyong Pagdiriwang (Religious Festivals and Observances)

Ito ay mga pagdiriwang na may kaugnayan sa pananampalataya, lalo na sa Kristiyanismo, na siyang pangunahing relihiyon sa bansa.

 

Sinulog Festival (Ginaganap tuwing Enero sa Cebu)- Pagpaparangal kay Santo Niño, ang batang Hesus, bilang tanda ng pananampalataya ng mga Pilipino.

Image Source: Kikoy, H. (2022). Sinulog Festival, Cebu City. WikiMedia
Image Source: Kikoy, H. (2022). Sinulog Festival, Cebu City. WikiMedia

Pahiyas Festival (Ginaganap sa Lucban, Quezon tuwing Mayo)- Pasasalamat sa masaganang ani sa pamamagitan ng makukulay na dekorasyon mula sa palay.

Image Source: Ultimate Guide to Pahiyas Festival in Lucban Quezon 2025 (2024). LakbayPinas.
Image Source: Ultimate Guide to Pahiyas Festival in Lucban Quezon 2025 (2024). LakbayPinas.

Semana Santa (Ginaganap tuwing Marso o Abril)- Panahon ng pagninilay at pagsisisi, kung saan maraming Pilipino ang nagsasagawa ng tradisyunal na penitensya at prusisyon.

Image Source: Sebastian, L. (2018). Holyweek in Vigan. flickr
Image Source: Sebastian, L. (2018). Holyweek in Vigan. flickr

Kultural at Tradisyunal na Pista (Cultural and Traditional Festivals)

Ito ay mga pagdiriwang na nagpapakita ng mayamang kultura, sining, at tradisyon ng mga Pilipino.

 

Panagbenga Festival (Ginaganap sa Baguio tuwing Pebrero)- Pista ng mga bulaklak na nagpapakita ng ganda at yaman ng kalikasan sa Cordillera.

Image Source: Bsbt osas (2024). Panagbenga Festival 2024 in Baguio City. WikiMedia.
Image Source: Bsbt osas (2024). Panagbenga Festival 2024 in Baguio City. WikiMedia.

Kadayawan Festival (Ginaganap sa Davao tuwing Agosto)- Pagpapahalaga sa kultura ng mga katutubong grupo sa Mindanao at pagbibigay-pugay sa masaganang ani.

Image Source: Fernandez. H. (2021). Philippine Festivals: Vibrant Occasions Honoring History and Culture. Asterra
Image Source: Fernandez. H. (2021). Philippine Festivals: Vibrant Occasions Honoring History and Culture. Asterra

MassKara Festival (Ginaganap sa Bacolod tuwing Oktubre)- Isang makulay na pagdiriwang ng kasiyahan at katatagan ng mga Bacolodnon sa kabila ng pagsubok.

Image Source: 4 Unmissable Philippine Festivals In 2022 & 2023 (2018). Asap Tickets
Image Source: 4 Unmissable Philippine Festivals In 2022 & 2023 (2018). Asap Tickets

Lokal at Pampook na Pista (Local and Provincial Festivals)

Ito ay mga okasyon na ipinagdiriwang sa partikular na bayan o lalawigan bilang bahagi ng kanilang kasaysayan o paniniwala.

 

Higantes Festival (Pista ng Angono, Rizal tuwing Nobyembre)- Pista na may higanteng papier-mâché bilang simbolo ng paglaban sa pang-aapi noong panahon ng Kastila.

Image Source: 12 festivals in the Philippines (2019). Holidify
Image Source: 12 festivals in the Philippines (2019). Holidify

Obando Fertility Dance Festival (Ginaganap sa Bulacan tuwing Mayo)- Isang sayaw-panata para sa mga mag-asawang nagnanais magkaroon ng anak.

Image Source: Obando Festival and Fertility Rites (2022). Bria
Image Source: Obando Festival and Fertility Rites (2022). Bria

T’nalak Festival (Ginaganap sa South Cotabato tuwing Hulyo)- Pagpapakita ng mayamang kultura ng T'boli at kanilang makulay na telang "T’nalak".

Image Source: Belgera, A. M. (2023). T'nalak Festival: Weaving traditions, bridging history and cultural resilience. Philippine Information Agency
Image Source: Belgera, A. M. (2023). T'nalak Festival: Weaving traditions, bridging history and cultural resilience. Philippine Information Agency

Pampamilyang Pagdiriwang (Family and Personal Celebrations)

Ito ay mga espesyal na okasyon na ipinagdiriwang sa loob ng pamilya at ng komunidad.

 

Fiesta- Ipinagdiriwang sa bawat bayan o barangay bilang pasasalamat sa patrong santo at sa mga biyaya ng Diyos.

 

Debut (18th Birthday ng isang Dalaga)- Isang mahalagang ritwal sa buhay ng isang dalaga na sumisimbolo sa kanyang pagiging ganap na dalaga.

Image Source: Breaking down the Debut (2023). Eventory.
Image Source: Breaking down the Debut (2023). Eventory.

Kasalan (Kasal) - Pagsasama ng dalawang tao sa bisa ng kasal na nagpapakita ng halaga ng pamilya sa kulturang Pilipino.

Image Source: Avillano, L. (2013). Ang tradisyunal na kasalang Pilipino (The traditional Filipino wedding). Kulturang Pinoy
Image Source: Avillano, L. (2013). Ang tradisyunal na kasalang Pilipino (The traditional Filipino wedding). Kulturang Pinoy

Ngunit sa gitna ng masaya at makukulay na pistahan, hindi pa rin maiiwasan ang ilang anomalya tulad na lamang ng nangyari sa Basaan Festival sa San Juan City noong 2024. 

Image Source:  Demayo, M. (2024). San Juan holds Wattah Wattah festival. ABS-CBN News.
Image Source: Demayo, M. (2024). San Juan holds Wattah Wattah festival. ABS-CBN News.

Dito, sapilitang binasa ng mga lokal ng San Juan ang mga motorista at sibilyang dumadaan na nagdulot ng panganib sa lansangan. May isang indibidwal pa na sinabuyan ng muriatic acid, isang delikadong kemikal na naging sanhi ng kanyang pagkasugat. May mga ulat din ng pananakit at pagkasira ng mga sasakyan matapos itong akyatin ng ilang residente. 

 

Dahil sa mga insidenteng ito, humingi ng paumanhin ang mayor ng lungsod na si Francis Zamora at nangakong mas paiigtingin ang seguridad at regulasyon sa susunod na selebrasyon. Kasabay nito, anim na katao ang kinasuhan dahil sa paglabag sa mga patakaran ng lungsod.  

 

Bagama’t isang mahalagang bahagi ng kultura ng San Juan ang “Wattah Wattah o Basaan Festival”, ang mga pangyayaring ito ay nagsilbing paalala na dapat isaalang-alang ang kaligtasan at kaayusan ng lahat upang mapanatili ang tunay na diwa ng pistahan.

 

Tandaan na ang mga pagdiriwang na ito sa pilipinas ay sumasalamin sa ating kasaysayan, pananampalataya, kultura, at pagpapahalaga sa ating pamilya at bayan. Tayong mga Pinoy ay malayang gawin ang ating mga ninanais, ngunit hindi dapat kalimutan na mayroong hangganan ang ating kalayaan. Ang pagiging sanhi ng inconvenience at pagtatalo ay kabaligtaran ng dapat mangyari sa mga selebrasyong ating ipinagdiriwang bilang ito ay isa sa mga simbolo na ang Pilipinas ay makulay at masayang bansa. Naipapasa rin natin sa pamamagitan nito ang ating mga tradisyon sa susunod na henerasyon at nabibigyang oportunidad ang mga dayuhang nais pang makilala ang ating bansa sa pamamagitan ng pagdalo sa mga ganitong uri ng pagdiriwang.

References:

Avillano, L. (2013, October 13). Ang tradisyunal na kasalang Pilipino (The traditional Filipino wedding). Kulturang Pinoy. https://kulturang-noypi.blogspot.com/2013/10/ang-tradisyunal-na-kasalang-pilipino_9302.html?m=1

Balikbayan Media Center. (2021, January 13). 500th Year Anniversary of the Arrival of the Image of Sto. Nino in PH Highlighted During Virtual Celebration of Sto. Nino Sinulog Festival in Rottenburg-Stuttgart. Balikbayan Magazine. https://balikbayanmagazine.com/arts-culture/500th-year-anniversary-of-the-arrival-of-the-image-of-sto-nino-in-ph-highlighted-during-virtual-celebration-of-sto-nino-sinulog-festival-in-rottenburg-stuttgart/ 

Belgera, A. M. (2023, July 21). T'nalak Festival: Weaving traditions, bridging history and cultural resilience. Philippine Information Agency. https://mirror.pia.gov.ph/features/2023/07/21/tnalak-festival-weaving-traditions-bridging-history-and-cultural-resilience

Breaking down the Debut (2023, May 22). Eventory. https://eventory.ph/resources/breaking-down-the-debut

Bsbt osas (2024, February 24). Panagbenga Festival 2024 in Baguio City. WikiMedia. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Panagbenga_Festival_2024_Baguio_City.jpg  

Demayo, M. (2024, June 24). San Juan holds Wattah Wattah festival. ABS-CBN News. https://www.abs-cbn.com/news/2024/6/28/zamora-no-more-city-wide-wattah-wattah-festival-2042

Fernandez. H. (2021). Philippine Festivals: Vibrant Occasions Honoring History and Culture. Asterra. https://www.asterra.com.ph/articles/blog/philippine-festivals-vibrant-occasions-honoring-history-and-culture/

4 Unmissable Philippine Festivals In 2022 & 2023 (2018). Asap Tickets. https://blog.asaptickets.com/philippines-festivals-in-2022-2023/

Kikoy, H. (2022, February 10). Sinulog Festival, Cebu City. WikiMedia. https://commons.wikimedia.org/wiki/User:Herbertkikoy

Obando Festival and fertility rites (2022). Bria. https://www.bria.com.ph/articles/obando-festival-and-fertility-rites/

Philippine Fiestas During the Pandemic (2024). Xillium. https://xillium.ph/philippine-fiestas-in-the-time-of-pandemic/

Sebastian, L. (2018). Holyweek in Vigan. Flickr. https://www.flickr.com/photos/137269534@N06/41277861621/

Sinulog Festival in Cebu: Celebrate the Sinulog Festival 2025 (Philippines) (2024, November 28). SouthPole Central Hotel. https://www.southpolecentralhotel.com/sinulog-festival/ 

12 festivals in the Philippines - Unique traditions, activities, and more (2023). Holidify. https://www.holidify.com/pages/festivals-in-philippines-5406.html

Ultimate Guide to Pahiyas Festival in Lucban Quezon 2025 (2024, July 18). LakbayPinas. https://lakbaypinas.com/pahiyas-festival-history-origin-lucban-quezon/

Nakalahok ka na ba sa isa sa mga pista na aming tinalakay? Anong masasabi mo rito? 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top