Kulturang Nakalululong: Ang Pilipinas bilang Social Media Capital ng Mundo
Image Source: The Dark Side of the Philippines Being the World's Social Media Capital (2021). Spot.ph
By Charity Cumpa and Jaysel Hilario
March 31, 2025
Ang social media ay mga digital na platform na nagbibigay-daan upang tayo ay magkaroon ng ugnayan, komunikasyon, at makapamahagi ng impormasyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng internet. Ito ay naging mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng maraming tao—mula sa mga personal na koneksyon hanggang sa malawakang diskusyon sa larangan ng edukasyon, negosyo, politika, at marami pang iba.
Sa social media, maaaring magbahagi ng mga larawan, video, artikulo, at iba pang content na maaaring makita ng iba pang gumagamit, paraan upang magkaroon ng interaction ang bawat isa. Bukod sa pagiging isang plataporma para sa pakikisalamuha, ginagamit din ito bilang isang makapangyarihang kasangkapan sa pagpapalaganap ng impormasyon, promosyon ng mga produkto, at pagpapahayag ng mga saloobin at opinyon ng karamihan.
Ilan sa mga pinakasikat at pinakamadalas gamitin na social media platforms ay ang: Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.
Bagama’t bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng maraming tao, mahalagang maunawaan kung paano tunay na nakaaapekto ang social media sa ating lipunan. Sa panahon ngayon, kung saan halos lahat ay konektado sa internet, mas nagiging malinaw na malaki angpapel na ginagampanan ng social media sa iba’t ibang aspeto ng ating buhay.
Ang Kahalagahan ng Social Media (Villalobos, 2016)
- Komunikasyon - Madali at mabilis na makakakonekta ang mga tao sa kanilang pamilya, kaibigan, at kasamahan saan man sa mundo.
- Impormasyon at Balita - Isa itong paraan ng paghahatid ng balita at mahahalagang impormasyon, lalo na sa mga oras ng emergency o mahahalagang pangyayari.
- Edukasyon - Maraming online resources at learning platforms ang matatagpuan sa social media na ginagamit para sa pag-aaral.
- Negosyo at Marketing - Mahalaga ito sa pagpapalago ng mga negosyo, lalo na at patok ang online selling at digital marketing.
- Advocacy - Ginagamit ito upang ipahayag ang mga opinyon, suportahan ang mga layunin, at ipaglaban ang mga karapatan ng mga nangangailangan.
- Libangan - Naging bahagi na ito ng pang-araw-araw na buhay ng marami bilang entertainment, pagpapamalas ng talento sa sining, at pagpapalaganap ng kultura.
Masasabi talaga natin kung gaano kahalaga ang social media sa kasalukuyan, ngunit sa kabila ng mga benepisyong hatid, talamak din ang negatibong epekto nito sa lipunan. Malaki ang naiambag nito sa komunikasyon, edukasyon, at negosyo, ngunit kasabay din nito ang paglaganap ng maling impormasyon at kawalan ng privacy ng mga users. Kaya naman, mahalagang maging responsable at mapanuri sa paggamit ng social media upang mapakinabangan ito nang tama at maiwasan ang mga posibleng panganib nito.
Ang masamang epekto ng Social Media:
- Pagkalat ng Maling Impormasyon at Fake News
Maraming pekeng balita at maling impormasyon ang mabilis na kumakalat sa social media. Halimbawa na lamang ang pagkalat online ng mga maling impormasyon o fake news ilang araw mula noong maaresto si dating Pangulong Duterte.

- Mental Health Issues
Ang paggamit ng social media ay maaaring magdulot ng stress, anxiety, depression, at low self-esteem, lalo na sa mga taong madalas na ikinukumpara ang sarili sa iba.

- Pagkagumon o Social Media Addiction
Maraming tao ang nagiging dependent sa social media, na nagiging epekto ng pagkawala ng oras para sa mahahalagang gawain tulad ng pag-aaral o pagtatrabaho.

- Fake Persona at Unrealistic Standards
Maraming tao ang nagpapakita lamang ng kanilang “best version” sa social media, na maaaring magdulot ng pressure sa iba na magkaroon ng perpektong buhay, hitsura, o tagumpay.
Video Source: @itsme.gela/TikTok (2023)
Scam ba ang Social Media?
Naloko ka na ba? kung usapang social media, ang sagot ay paniguradong oo. Laganap kasi rito ang panlilinlang, pwedeng literal o pambubudol lamang. Ginagawa ito sa iba't ibang paraan, narito ang ilang halimbawa.
- VLOGGING AT REELS
Sikat ngayon sa social media ang pagvi-video ng mga kaganapan sa pang araw-araw na buhay, karanasan, opinyon, o iba’t-ibang topic na maari nilang gawing skit. “Vloggers” o “Influencers” ang madalas na gumagawa nito at ito ay kanilang pinagkakakitaan.

Masasabi nating may matutuhan, nakakamangha, relatable, o nakatutuwa ang mga ito, ngunit karamihan sa kanilang mga video ay hindi na naayon para sa mga manonood o para sa masa.
Isa sa mga halimbawa ang “mukbang” na maaring magdulot ng health risks at posibilidad ng kamatayan kung gagayahin ito. Nakatutuwang panoorin ang mga vloggers na kumakain ng napakarami ngunit maaari itong mag-cause ng Food pornography at gawin din ng mga kabataan na walang sapat na kaalaman o training sa larangang ito.

Isa rin ang pagpo-post ng mga video na hindi angkop sa mga menor de edad tulad ng mga content na may sexual innuendo, alcoholic activities, at mga away na maaring magbigay ng motibo o ideya na gawin nila ang mga bagay na hindi naman dapat para sa mga kabataan.

- SCAMMERS
Talamak ang mga Scammers sa social media lalo na sa mga marketplace, online buying, online selling, at online markets. Ang mga online buy and sell apps tulad ng Facebook Marketplace, Tiktok shop, Lazada, Shoppee, at marami pang iba ay isa sa mga sikat na bilihan online.

Maraming mga pekeng buyers and sellers sa mga social media online shops na nasabi. Ang Bogus Buyers at Identity theft ay isa sa sikat na modus ng mga kunwaring mamimili na bibili kuno ngunit hindi ito babayaran o gagamit ng mga pekeng confirmation number para masabing bayad na sila.

Sikat din ngayon ang mga clickbait at Phishing na kumakalat sa mga social media content at advertisements. Ito ay isang klase ng scam na maaring magdala sayo sa ibang website na may kakayahang ma-access ang iyong personal na impormasyon at kalaunan ay mabuksan ang mga online banking, e-wallets, at iba pang bank account ng biktima.
- FAKE NEWS
Ang taong 2025 ay taon para sa General at Local Election. Hindi na rin maiiwasan ang mga kumakalat sa mga social media platforms na pekeng mga impormasyon tungkol sa mga kandidato. Sikat ang mga tinatawag na Social Media Trolling, candidate advertisements, at marami pang political campaign online.

Marami sa mga social media trolls ang nagpapakita ng paninira at mga pekeng impormasyon laban sa kanilang kalabang kandidato para umangat ang mga politikong sinusuportahan nila. Marami sa kanila ay mga umaatake sa reply o comment section, minsan ay sila rin ang gumagawa ng content para masiraan ang kanilang oposisyon. Isa sa primary resources nila ang mga post sa social media platforms na walang credibility na nagdudulot ng malawakang pagkonsumo sa pekeng impormasyon. Halimbawa na lamang ang mga post na ito.

Isang malaking impluwensya rin sa mga botante ang mga ginagawang political campaign ng mga social media influencers na nagdudulot ng malaking gulo sa mga fans at manonood.

Tunay na mahalaga ang social media sa ating pang-araw-araw na buhay dahil sa maraming benepisyong naidudulot nito. Nakakatulong ito sa komunikasyon, impormasyon, at maging sa oportunidad sa trabaho at negosyo. Ngunit, kapalit ng mga benepisyong ito ay ang mga panganib na maaaring makaapekto sa ating seguridad, mental na kalusugan, at maging sa paraan ng ating pakikisalamuha sa iba.
Ayon sa Meltwater, may 86.75 milyong Pilipino ang gumagamit ng social media noong 2024, at 99.2% ng internet users na may edad 16 hanggang 64 ang aktibo rito. Ipinapakita ng mga bilang na ito kung gaano kalawak ang impluwensiya ng social media sa ating bansa, ngunit nangangahulugan din ito na marami din ang maaaring maging biktima nito. Mula sa maling impormasyon at cyberbullying hanggang sa pagva-violate ng privacy, malaki ang responsibilidad ng bawat isa sa tamang paggamit ng social media, sapagkat ito ay isang makapangyarihang kasangkapan. Depende na lamang sa atin kung gagamitin natin ito sa kabutihan o kasamaan.
Paano nga ba natin masisigurong ang paggamit natin ng social media ay nagdudulot ng positibong epekto sa ating sarili at sa lipunan? Dapat ba itong pausbungin pa o dapat na ba itong tigilan?
References:
Ahmed, K. & Kumar, A. (2024, July 30). Viral video of sexual act demonstrates failure of Instagram’s content moderation mechanism. altnews. https://www.altnews.in/viral-video-of-sexual-act-demonstrates-failure-of-instagrams-content-moderation-mechanism/
Baizas, G. (2023, August 3). Up to P1.5 billion spent on online political influencers for 2022 PH elections – study. Rappler. https://www.rappler.com/technology/social-media/billions-spent-online-political-influencers-2022-philippines-elections-internews-study/
Best of the Best: Top 15 Online Shops in the UK (2024). Jetkrate.com. https://www.jetkrate.com/uk-top-online-shops/
Cahuasa, P. B. (2024, February 7). 15% of Bolivians spend more than 6 hours a day on social media, according to a study. Unifranz. https://unifranz.edu.bo/blog/15-de-los-bolivianos-pasan-mas-de-6-horas-al-dia-en-redes-sociales-segun-estudio/
Co, J. R. (2022, January 24). Beware! Bogus Buyer!. Secondhand Books Philippines Facebook Page. https://www.facebook.com/groups/secondhandbooksphilippines/posts/632129368036484/
DOH eyes banning ‘mukbang’ after vlogger’s death (2024, July 8). The Filipino Times. https://filipinotimes.net/latest-news/2024/07/08/doh-eyes-banning-mukbang-after-vloggers-death/
Howe, S. (2024, May 3). Social media statistics in the Philippines. Meltwater. https://www.meltwater.com/en/blog/social-media-statistics-philippines
Itsme.gela (2023, January 10). Paano Pumayat Kahit Walang Exercise. TikTok. https://www.tiktok.com/@itsme.gela/video/7187035772288126235?is_from_webapp=1&sender_device=pc
QC LGU, namigay ng gamot para sa mga residenteng may problema sa mental health (August 10, 2022). GMA Integrated News. https://youtu.be/aFxELs5UNNM?si=ihciYFskwcSvKfvs
Quiambao, R. (2024, March 14). Most Subscribed YouTube Vloggers in the Philippines (2024). Spiralytics. https://www.spiralytics.com/blog/vloggers-in-the-philippines/
Santos, J. (2022, January 16). Ilang kabataan, napapabayaan ang kalusugan dahil sa sobrang gamit ng gadgets at social media. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/video/unangbalita/598880/ilang-kabataan-napapabayaan-ang-kalusugan-dahil-sa-labis-na-paggamit-ng-social-media/video/
Versoza, G. (2024). Instagram Story of poster Campaign “Giancarlo Edraline” character from the movie “Balota”. https://www.instagram.com/gardo_versoza/
Villalobos, A. N. (2016, November 14). Social media. WordPress. https://internetatsocialmedia.wordpress.com/socialmedia/