Kilig Yarn?: Ang Pag-ibig Noon, Ngayon, At Online

Image source: Halo-halo, mix-mix (2018)
Image source: Halo-halo, mix-mix (2018)
Image source: 
PinayWise (2023)
Image source: PinayWise (2023)
Image source:
Truly Filipino (2020)
Image source: Truly Filipino (2020)

By Charity Cumpa & Jaysel Hilario
April 17, 2025

Ang panliligaw ay isang malaking parte ng bahagi ng kulturang Pilipino, ito ay sumasalamin sa ating pagpapahalaga sa kultura, kaugalian, at nakasanayan. Ito ay isang proseso ng pagpapakilala at pag-aalay ng damdamin, hindi lamang para sa iniibig kundi para na rin sa mga kaibigan at pamilya nito. Sa paglipas ng panahon, iba’t-ibang klaseng teknoloihya na ang umusbong at ilang henerasyon na ang dumating—ang panliligaw ay nagbago na rin, mula sa tradisyunal na pagpunta sa bahay ng kanilang iniibig, hanggang sa panunuyo sa social media. Malaki ang pagbabago sa paraan ng pagpapakita ng pagmamahal ng mga Pilipino.

USO PA BA ANG HARANA?

Sabi nga ng Parokya ni Edgar, uso pa nga ba ang harana?

Ang harana ay isang tradisyunal na paraan sa panliligaw, ngunit isa lamang ito sa napakaraming uri ng panliligaw noong panahong wala pang mga gadget. Dito, nangingibabaw ang pagiging busilak at tapat na klase ng panliligaw dahil sa paninindigan at lakas ng loob na pisikal na dumayo sa mismong bahay ng kanilang iniibig.

Mensahe? Regalo? Bulaklak? Hindi pa yan sapat noon. Ang presensya, pagharap sa pamilya, at madalas na pagdalaw ay isang patunay sa hangaring ibigin ang nililigawan.

HARANA

Image Source: Markytour777 (2010). WikiMedia
Image Source: Markytour777 (2010). WikiMedia

Ang harana sa gabi ay isang uri ng tradisyunal na panliligaw noon kung saan kailangang kumanta at humarap sa bintana ng bahay ng kaniyang nililigawan ang isang binata. Kailangang makuha nito ang atensyon ng dalaga at ng kaniyang pamilya gamit ang matamis na himig at mga kantang taos pusong aawitin.

HARANA

Image Source: Barretto, as used in Balita, 2021
Image Source: Barretto, as used in Balita, 2021

Isa itong uri ng pagbibigay ng mensahe sa iniibig, dahil walang teknolohiya o internet noon, ito ang paraan nila upang maihatid ang nais na sabihin, pag-amin sa minamahal, o kaya’y mensahe lamang patungkol sa kaniyang ginagawa sa mga araw na hindi sila nagkita. In today's term, nag-a-update sa taong minamahal!

HARANA

 Image Source:  Antonio Mahimum Jr. Facebook Account (2024)
Image Source: Antonio Mahimum Jr. Facebook Account (2024)
Image Source: Dumb Little Man (2024)
Image Source: Dumb Little Man (2024)

Ito ang madalas na nakikita sa mga sikat na pelikula at romantikong palabas, Ang kagandahan ng pagkakakilala nang personal at pagkakaroon ng oras para sa isa’t-isa ay naipapakita. Masasabi na ang ganitong uri ng panliligaw ang pinaka-epektibo sa lahat.

BLIND DATE

Image Source: DatingNexus.com
Image Source: DatingNexus.com

Ang blind dates ay isang sikat na paraan upang makakilala ng mga taong may potensyal na iyong maging kasintahan. Kadalasan, malungkot ang ending ng mga ganitong set up dahil sa kakulangan sa interes at hindi na muling pagkikita ng mga taong sumusubok at umaasang mahanap na ang tunay na magmamahal sa kanila.

Talking Stage

 Image Source: Vakos  (2022). A Conscious Rethink
Image Source: Vakos (2022). A Conscious Rethink

Ito 'yung phase na halos araw-araw kayong magkausap, laging may “good morning,” “kumain ka na ba?” at random memes sa chat. Pero… walang label.

Walang commitment, pero may consistency.

Walang title, pero may effort.

Minsan sweet, minsan biglang seen-zone lang.

Kumbaga: trial version ng relasyon—may feels, pero hindi sure kung may full version. Kaya ingat, baka ma-fall ka sa taong hindi naman ready sumalo.

ONE CLICK = ONE DATE

Apps, internet, mas malawak na sakop ng pag-iibigan

Ang pag-usbong ng teknolohiya ay isang malaking parte rin ng paglago ng makabagong panlligaw sa bagong henerasyon. Ang online dating ay isang anyo ng panlligaw na nagsisimula at nabubo sa social media, dating apps, at video calls o mas kilalang internet dating. Sa isang pindot, maaring makakilala ng isang taong naghahanap din ng libangan, gaano man kalayo o saan mang panig mundo pa iyan. Napakaganda rin itong uri ng modernasyon para sa ating mga “LDR couples” o mga magkasintahang pisikal na magkalayo sa isa't isa. Sa una, maasabi talagang nakakaginhawa dahil sa isang pindot ay parang kasama mo na ang taong iyong minamahal. Ngunit, paano natin masisiguro ang katapatan ng isang tao kung hindi pa natin ito nakikita sa personal? Paano natin mararamdaman ang tunay na damdamin sa likod ng emoji at screen lamang? Malaki ang tulong ng teknolohiya sa atin ngunit dapat tayong maging mapanuri at maigat, sapagkat ang pag-ibig ay hindi lang dapat puro kilig, ito ay isang seryosong ugnayan na kung saan oras, tiwala, at pagkilala sa isa’t-isa ang kailangan.

DATING SHOWS

Image sources: Arlette Amuli (2024)
Image sources: Arlette Amuli (2024)
Image Source: Marion Aunor Official (2025)
Image Source: Marion Aunor Official (2025)

Isa rin sa nauuso sa ngayon ang mga dating shows sa internet at TV Shows kung saan pipili sila ng mga random na tao upang i-partner sa isa pa.

May iba’t-ibang paraan para malaman ang kagustuhan ng bawat isa: Ang Pop the Balloon or Find Love na sikat sa Netflix at Tiktok ngayon na kung saan ay may mga balloons ang “participants” na nagsisilbing gabay kung intersado sila sa isang tao o hindi. Kapag pinutok ang lobo, ibig-sabihin ay hindi sila interesado sa taong may hawak nito. Mayroon ding mga TV Segments ang “Showtime” gaya ng “Kaparewho” at “Expecially for you” kung saan nagiging tulay ang show para makahanap ng pag-ibig ang mga contestants nito.

Image Source: Showtime (2019)
Image Source: Showtime (2019)

Sa dami nang nagdaang henerasyon ng panliligaw, ang tunay na diwa nito ay hindi nakasalalay sa paraan kundi sa intensyon ng isang tao. Tradisiyunal man, moderno, o online, ang mahalaga ay ang pusong nagmamahal nang tapat, respeto sa damdamin ng iba, kabutihan ng puso, at hangarin na makabuo ng ugnayang matibay at may katotohanan. Ang kultura ng panliligaw sa Pilipinas ay patuloy pa rin sa mga kinagawian nito, may mga nawawala ngunit palaging tatatak ang pagmamahal ng isang Pinoy na aabot sa sukdulan, mapakita at mapatunayan lamang ang nararamdaman sa taong lubos na hinahangaan. Sa tradisyunal man o modernong paraan, ang pagmamahal ay pagmamahal. Buo, dalisay, at walang humpay.

References:

Aunor, M. (2025, February 19). Pusuan or Laruan with Marion Aunor | Episode 11. Marion Aunor Official. https://www.youtube.com/watch?v=Pcj4_IiyojU

Amuli, A. (2024, July 10). Ep 15: Pop The Balloon Or Find Love | With Arlette Amuli. Arlette Amuli Youtube Channel. https://www.youtube.com/watch?v=NWr-qjauKa0

blind date  (n.d.). Cambridge Dictionary, Retrieve on April 13, 2025 from https://dictionary.cambridge.org/dictionary/english/blind-date

Blind Date Facts and Fallacies (n.d.), DatingNexus.com. https://datingnexus.com/blind-dates-facts-and-fallacies/

Deborah. (2018, January 28). What is Harana? Impress Your Sweetheart on Valentine’s Day. Halo-Halo, Mix-Mix. https://www.halohalomixmix.com/harana-impress-sweetheart-valentines-day/

De Leon, R. (2021, November 17). Claudine, ibinahagi ang love letter sa kaniya ni Rico Yan noong 1998; netizens, diskumpiyado. Balita. https://balita.mb.com.ph/2021/11/17/claudine-ibinahagi-ang-love-letter-sa-kaniya-ni-rico-yan-noong-1998-netizens-diskumpiyado/

FilipinoCupid.com: Online Dating in the Philippines (2023, October 15). Pinay Wise. https://pinaywise.com/philippines-dating/philippines-online-dating/filipino-cupid-online-dating/

Hudspeth, C., & Richards, A. (2025, April 11). “Pop the Balloon” live on Netflix: How to watch, host, what time to tune in, Who started Pop the Balloon. Netflix Tudum. https://www.netflix.com/tudum/articles/pop-the-balloon-live-2025-release-date-trailer-host-news#:~:text=For%20those%20just%20popping%20in,does%20your%20shot%20at%20love.

“It's Showtime" launches compatibility game "KapareWho" for middle-aged men and women (2019, February 26). Showtime. https://corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases/2019/2/26/its-showtime-launches-compatibility-game-kapar?lang=en

Mahilum, A. J. (2024, February 13). “Pamamanhikan” Painting. Antonio Mahimum Jr. Facebook Account. https://www.facebook.com/photo.php?fbid=909270951202068&id=100063575156532&set=a.458047232991111

Markytour777 (2010, October 10). Harana tradition of Filipinos. WikiMedia. https://www.discoverphilippines.org/p/the-filipino-harana?fbclid=IwY2xjawJ0cZpleHRuA2FlbQIxMABicmlkETFOZ1FoeXhteFU3NmdpYVBGAR5gy5xMvzZWcaelBnVqy5q8cFHwi8YlmYhiC5KHXR-6L-lGMHtU-ybwLUM-cg_aem_KO4Mm5My1ixEQ-f1_MHQIg

P.A.R.K. (2024, August 15). Modern dating in the Philippines: navigating love and logistics. Passport Bros LLC. https://www.theofficialpassportbros.com/post/modern-dating-in-the-philippines-navigating-love-and-logistics?srsltid=AfmBOorUxcfzaXrERunJDdo3buankCMqFJe30xNRgFU7Z8lE0IVbS3lY

10 Foolproof Tips for Using Online Dating Apps in the Philippines (2020, September 30). Truly Filipino. https://www.trulyfilipino.com/blog/tips-online-dating-apps/

10 Wisconsin Date Ideas to Make You Swoon (2017, August 30). Discover Wisconsin. https://discoverwisconsin.com/10-wisconsin-date-ideas-make-swoon/

Vakos, A. (2022, July 25). The Talking Stage: Everything You Need To Know. A Conscious Rethink. https://www.aconsciousrethink.com/19673/the-talking-stage/

Anong masasabi mo sa usaping ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top