IT’S MORE FUN IN THE PHILIPPINES!: ANG PAGIGING MASAYAHIN NG MGA PILIPINO
Image Source: Philstar (2024)
By Jervie Masibag and Quinn Villanueva
April 15, 2025
Ano kaya ang mangyayari kung bigla na lang mawala ang "tawa" sa Pilipinas? Magiging tahimik kaya ang mga palengke? Mawawala ba ang sigla sa mga jeepney? Paano na kaya ang mga selebrasyon?—ang pagiging masayahin, mapagbiro, at puno ng sense of humor ay hindi lamang katangian ng mga Pilipino, ito ay isang mahalagang bahagi ng ating kultura at identidad.
Ang kasaysayan ng kaligayahan
Ang pagiging masayahin ng mga Pilipino ay hindi basta bigla na lang sumulpot. Ito ay isang produkto ng ating mahabang kasaysayan, isang halo-halong timpla ng mga nag-impluwensiya sa atin mula sa iba't ibang kultura at mga karanasan. Mula sa ating mga ninuno, ang pagku-kwento, pag-awit, at pagsasayaw ay hindi lamang paraan ng pagpapahayag, kundi pati na rin ng pagbabahagi ng saya at pag-asa sa bawat isa. Ang ating sense of humor ay naging malaking tulong sa atin sa paglutas ng bawat pagsubok na ating hinaharap. Nagbibigay ito ng pag-asa para sa pagkakaroon ng magandang bahaghari sa mga araw na puno ng problema. Ang pagiging jolly at cheerful ay naging paraan upang mapanatili ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa gitna ng mga pagsubok at mga karanasang ‘di kaaya-aya.
Ang Sense of Humor ng mga Pinoy
- Ang sense of humor ay hindi lamang ang kakayahang tumawa. Ito ay combination ng pagiging witty, creative, at pagiging positibo sa mga sitwasyon. Ito ay ang kakayahang magpatawa o tumawa sa mga bagay-bagay kahit na sa mga seryosong pagkakataon.
Knock! Knock!
Who’s there?
Kangkong, Kangkong, Greenwich, Tomato
Kangkong, Kangkong, Greenwich, Tomato who?
New Yooooork! Kangkong, Kangkong, Greenwich, Tomato
There’s nothing you can’t do… Now you’re in New York, New York, New York!
Ako lang yata ang natawa sa joke ko pero syempre, para sa mga Pilipino, ang sense of humor ay may iba't ibang anyo, gaya na lamang ng mga banat, patama sa ibang tao, at pati na rin hugot lines—mga salita na puno ng talino at pagkamalikhain. Ito rin ang iba't ibang way ng pag-express ng sarili, pagbibigay ng komento sa kahit anong sitwasyon, at pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang pagiging mapagbiro ay nagpapagaan ng tensyon at nagpapakita ng ating kakayahang maging creative ng isang tao sa kahit anong sitwasyon.
Ang pagiging jolly, cheerful, at pagkakaroon ng sense of humor, bilang mga katangiang Pilipino, ay may malaking tulong sa maraming aspeto:
- Pagpapagaan ng loob at stress: Sa panahon ngayon, ang pagiging masaya at paggawa ng jokes ay nakakatulong sa pag-handle ng stress. Ang sense of humor ay nagsisilbing coping mechanism na tumutulong sa kahit na sino na harapin ang mga pagsubok nang may positibong pananaw.

- Pag-angat ng moral: Ang pagiging masaya ay nakakahawa. Kapag ang isang tao ay masaya at puno ng enerhiya, nakakaimpluwensiya ito sa mga nakapaligid sa kaniya. Ang positibong enerhiya na ito ay nakakatulong na magkaroon ng mas produktibo at masayang kapaligiran sa paaralan, sa bahay, at sa komunidad.

- Pagguhit - Chalk art at makukulay na artwork sa dingding o mural art ang kadalasang makikita sa parteng ito ng Baguio.

Sa madaling salita, ang mga katangiang ito ay hindi lamang nagpapaganda ng personalidad ng isang tao, kundi nag-aambag din sa kanilang pangkalahatang kagalingan at tagumpay sa buhay. Ito ay mga katangian na dapat linangin at pahalagahan.
Sa gitna ng mga balita tungkol sa kahirapan, korapsyon, at mga kalamidad, talaga namang nakapagtataka kung bakit patuloy na nakangiti ang mga Pilipino. Panigurado na maraming tao ang mapapaisip kung bakit ganito kasaya sa Pinas kahit na mayroong mga hamon na kinakaharap ang ating bansa. Ang sagot? Mga katangiang Pilipino, lalo na ang ating mga ngiti, mga tawa, at ang ating unique pero kakaibang sense of humor.
"MANILA, Philippines — The Philippines is the second happiest country in Southeast Asia according to the annual World Happiness Report released by the University of Oxford’s Wellbeing Research Center in the United Kingdom (Philstar globe, 2024)".
Tumaas din ang ranking natin sa pandaigdigang antas, mula sa 76th noong nakaraang taon patungo sa 53rd ngayong taon. Ibig sabihin, mas lalong sumaya ang mga Pilipino kaysa dati!
Pero ika nga, masama ang sobra
Minsan, ang mga taong masayahin, dahil sa kanilang “positive thinking”, ay hindi napapansin ang negatibong epekto ng kanilang mga biro. Maaaring kulang sila sa sensitivity kaya hindi nila naiintindihan ang sakit na maaring maidulot nito sa iba. Maraming paraan para matawa o tumawa ang mga Pinoy at isa na rito ang paggawa ng prank. Para sa iba, ang prank ay paraan ng paghahanap ng atensyon, kahit negatibo ang resulta. At may mga pagkakataon na iniisip nilang "biro lang" ito, ngunit nakakalimutan nilang may masasaktan pala. Kaya kahit walang masamang intensyon, mahalaga pa ring isaalang-alang ang damdamin ng iba.
Ang mga prank sa Pilipinas
Ayon kay Austria (2022) ito ang klase ng pagbibiro kung saan ilalagay ka ng isang indibidwal sa maling pag-aakala sa isang sitwasyon na may iba’t ibang layunin depende sa kung ano ang nais nitong makuha sa’yo o ano ang nais nitong maramdaman mo.
Mayroong tatlong uri ng prank na madalas ginagawa rito sa Pilipinas, Ito ay ang mga;
- Minor Pranks - Halimbawa rito ang pagtatago ng gamit, paggawa ng fake calls, at paglalagay ng mga harmless traps na ginagawa sa pamilya o kaibigan.
- Medium Pranks - Ang mga pranks dito ay may halong bigat tulad ng paglalagay ng mga nakakatawang bagay sa bag o bulsa ng isang tao, pagbabato ng tubig sa mga estranghero, at paggawa ng mga fake messages online.
- Major Pranks - Ang mga prank na ito ay mas malala kumpara sa dalawang nauna, kinakailangan dito ng mas planadong aksyon, at may pagkasensitibo ang mga prank na ito para makahakot ng atensyon o hindi kaya ay magpaiyak ng isang tao. Ang mga halimbawa nito ay ang pagmamanipula ng fake accident, horror pranks, pekeng pagdukot sa isang tao, at iba pang klase ng sensitibong prank.
Sa Pilipinas, paraan ang pagbibiro bilang pakikisalamuha sa ibang tao, pero maaaring maging dahilan ito ng away kung hindi maingat at lalampas sa limitasyon ang mga gumagawa at nagtatangka.
Ang mga vloggers bilang pranksters
Marami ng vloggers sa Pilipinas at ilan sa mga ito ay gumagawa ng mga pranks n hindi kaaya-aya ngunit hindi lahat ay nakakakuha ng parehong antas ng atensyon o kontrobersiya. Ang pagiging sikat ng isang vlogger ay hindi rin nangangahulugan na ang lahat ng kanilang content ay mga prank videos. Ang ilang mga vloggers ay naghahalo ng iba't ibang uri ng content sa kanilang channel. Kagaya nina Ivana Alawi, Niana Guerrero, at Zeinab Harake, iilan lamang sila sa mga sikat na vloggers sa Pilipinas na may magandang intensyon sa paggawa ng prank na hindi nakakaapekto nang malala sa mga taong involved at mga taong nanonood.



Pero sa kabila ng magagandang intensyon sa paggawa ng prank ay mayroon namang isang vlogger ang nakagawa ng pagkakamali at nag-iwan ng negatibong epekto sa tao. Nahaharap sa kaso ang tatlong vloggers mula sa grupong Tukomi dahil sa isang prank video na nagpakita ng pekeng pagdukot o kidnapping. Naganap ang insidente sa Las Piñas City noong Abril 6, 2023. Dahil sa nakakatakot na karanasan ng mga taong nakakita sa prank, isang pulis ang nagsampa ng kaso laban sa mga vloggers. Ang PNP ay nagbabala rin sa ibang mga vloggers na maging responsable sa kanilang content at iwasan ang mga prank na maaaring magdulot ng panganib sa publiko. Maraming netizens ang nagalit at nadismaya sa kagagawan ng mga vloggers na ito.

Video Source: Tukomi Youtube Channel (2023)
Ang mga Prank na hindi kaakit-akit
Kamakailan lamang ay muling umingay ang balita patungkol sa isang uri ng prank na gumagamit ng telephone o mga hotline numbers. Sa gitna ng mga pangyayaring nagdudulot ng panganib, isang mahalagang linya ng komunikasyon ang nagsisilbing tulay sa kaligtasan—ang emergency hotline. Ngunit sa lalawigan ng Pangasinan, ang linya ng pag-asa na ito ay nagiging biktima ng mga prank calls. Ayon sa inihayag ni Del Rosario (2025) sa Philippines Information Agency, ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ay nagbabala sa publiko tungkol sa lumalalang kaso ng mga prank calls na tumatawag sa kanilang emergency hotline. Ayon kay Vincent Chiu, Operations Head ng PDRRMO, halos 60,000 prank calls ang natanggap ng kanilang panig mula noong magsimula ang operasyon nito. Karamihan sa mga nagpa-prank calls ay mga high school students at ang itinatawag ng mga ito ay sunog o kaya ay mga hindi nagsasalita o tumatawa lamang. Bagama’t concern sila sa ganitong mga problema ay hindi pa rin maiiwasan na magkaroon sila ng doubt para rito.
Ang mga Prank na hindi kaakit-akit
Kamakailan lamang ay muling umingay ang balita patungkol sa isang uri ng prank na gumagamit ng telephone o mga hotline numbers. Sa gitna ng mga pangyayaring nagdudulot ng panganib, isang mahalagang linya ng komunikasyon ang nagsisilbing tulay sa kaligtasan—ang emergency hotline. Ngunit sa lalawigan ng Pangasinan, ang linya ng pag-asa na ito ay nagiging biktima ng mga prank calls. Ayon sa inihayag ni Del Rosario (2025) sa Philippines Information Agency, ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ay nagbabala sa publiko tungkol sa lumalalang kaso ng mga prank calls na tumatawag sa kanilang emergency hotline. Ayon kay Vincent Chiu, Operations Head ng PDRRMO, halos 60,000 prank calls ang natanggap ng kanilang panig mula noong magsimula ang operasyon nito. Karamihan sa mga nagpa-prank calls ay mga high school students at ang itinatawag ng mga ito ay sunog o kaya ay mga hindi nagsasalita o tumatawa lamang. Bagama’t concern sila sa ganitong mga problema ay hindi pa rin maiiwasan na magkaroon sila ng doubt para rito.

Tawanan mo ang ‘yong problema
Mayroon akong nabasa online na ang mga Pinoy, aside sa pagiging prankster e mas nagiging creative at unique ang paraan nila to interact with other people.
”Filipinos use their unique brand of humor to cope with challenges, create social bonds, and spread positivity (Icalla (2024).”
Sa content creation, ang sense of humor ay isang mahalagang sangkap para makaakit ng madla at mapanatili ang kanilang interes sa panonood. Naipapakita ito sa iba't ibang paraan, gaya ng paggamit ng mga biro, satire, irony, at iba pang anyo ng katatawanan para mas maging nakakaaliw at relatable ang nilalaman. Ang mga video ni Sassa Gurl (sikat na influencer) ay isang magandang halimbawa nito. Gumagamit siya ng iba't ibang uri ng humor, gaya ng observational humor, situational humor, at self-deprecating humor, para maipakita ang mga karanasan ng mga Pilipino sa isang nakakatawa at relatable na paraan.
Video Source: Sassa Gurl (2021)
Ang ehemplo ng pagiging isang Pilipino
Ang pagiging masayahin at pagkakaroon ng sense of humor ay mga katangiang Pilipino na hindi lang dapat ipakita sa pamamagitan ng mga biro, kundi sa lahat ng aspeto ng buhay. Ito ang halimbawa ng pagiging isang Pilipino; bukas sa mga tao, handang tumulong sa kapwa, at pagiging positibo sa kabila ng mga pagsubok. Ang pagiging masayahin ay hindi lang tungkol sa pagpapatawa, kundi tungkol sa pagiging Pilipino na sa kabila ng hirap at pasakit ay nakukuha pa ring tumawa at magpatawa. Ang sense of humor naman ay hindi lang tungkol sa pagbibiro, kundi tungkol sa pagiging malikhain, pagiging bukas sa mga makabagong ideya, at pagiging handang makita ang magandang panig ng bawat sitwasyon. Sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga katangiang ito, mapananatili natin ang espiritu ng pagiging Pilipino na puno ng pag-asa, pagmamahal, at tunay na kaligayahan.
Ang mga Pilipino, talagang matibay, 'no? Pero ang galing, palagi tayong nakakabangon. At isa sa mga sikreto natin? Ang pagiging masayahin. Parang pananggalang natin 'yan laban sa lungkot at pighati ng buhay. Kaya kahit na mahirap, patuloy pa rin tayong tumatawa at pinipiling maging masaya.
Tawanan mo ang ‘yong problema
References:
Alawi, I. (2020, April 19). Ivana Alawi’s Photo Update. Ivana Alawi’s Official Facebook Page. https://www.facebook.com/share/p/158NFhJT6H/
Austria, L. (2022, September 30). Mahilig Ba Sa Prank Ang Anak Mo? Ano Ang Dapat Gawin Kapag Sobra Na?. Hello Doctor Ph. https://hellodoctor.com.ph/fil/pagiging-magulang/mahilig-ba-sa-prank-ang-anak-mo/
Del Rosario, J. C. (2025, April 10). Pangasinan DRRMO warns: Prank 911 calls put lives at risk. Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/pangasinan-drrmo-warns-prank-911-calls-put-lives-at-risk/
Guerrero, N. (2020, September 7). Niana Guerero’s Photo Update. Niana Guerero’s Official Facebook Page. https://www.facebook.com/nianaguerrero/photos/pb.100044602951836.-2207520000/1828721697286659/?type=3
Harake, Z. (2023, July 21). This current chapter is called "My turn". Zeinab Harake’s Official Facebook Page. https://www.facebook.com/share/p/12GjntgAqKN/
Icalla, D. (2024, January 4). The Filipino Spirit: Finding Humor in Everything. Nipino.com. https://www.nipino.com/the-filipino-spirit-finding-humor-in-everything
Kastner, J. (2018, August 18). Poland cracks door open for Filipino workers. Nikkei Asia. https://asia.nikkei.com/Economy/Poland-cracks-door-open-for-Filipino-workers
K1dnap Prank (Gone Wrong!) (2023, April 7). Tukomi Youtube Channel. https://youtu.be/QoA8whaBuek?si=6Vz7b2Lm7e-k8PFe
Mateo, J. (2024, March 22). Philippine's 2nd happiest country in Southeast Asia Report. Philippines Star. https://www.philstar.com/headlines/2024/03/21/2342172/philippines-2nd-happiest-country-southeast-asia-report/amp/
Mga Komplikadong Sitwasyon sa Comshop (2021, October 15). Itssassagurl Tiktok Account. https://vt.tiktok.com/ZSrbwbEsV
Mga vlogger, muling binalaan ng PNP. RMN Networks. (2023, August 8). RadyoMan Manila. https://rmn.ph/mga-vlogger-muling-binalaan-ng-pnp/
Prudon, K. (2012, October 1). More fun in the Philippines. The Lasallian. https://thelasallian.com/2012/10/01/more-fun-in-the-philippines/
10 Weird Phenomena That Perfectly Sum Up Today’s Filipino Culture (2022, April 3). Filipiknow. https://filipiknow.net/modern-filipino-culture-phenomena/
Tupas, E. (2023, April 30). 3 vloggers charged for kidnap prank. The Philippine Star. https://www.philstar.com/nation/2023/04/30/2262598/3-vloggers-charged-kidnap-prank