From Dyaryo, Radyo, at Telebisyon to Social Media: Ang Pagbabago ng Pagkonsumo ng Balita ng mga Pilipino

  Image Source:Guevara, R. (2024). Anyone Remember Newspapers?. M2.0 Communication

“Dyaryo kayo d’yan!”,
“Sa ulo ng mga nagbabagang balita“
to
“Nakita mo na ba yung balita sa Social Media?”

 

By Ren Argana
April 7, 2025

Mga katagang lagi nating naririnig noong dekada sitenta hanggang sa kasalukuyan. Ngunit paano kung ang dating tradisyunal na proseso ng pagkonsumo ng balita ay unti-unti nang napapalitan ng makabagong media kung saan nakapaloob ang mga modernong plataporma at aplikasyon—ito ba ay senyales ng pag-unlad o nagbibigay ba ito ng mga problema sa paraan ng pagkonsumo ng balita ng mga Pilipino?

Ang Tradisyunal na Media ng mga Pilipino

Image Source: Will Traditional Media Go Extinct? (2022). Newman Media
Image Source: Will Traditional Media Go Extinct? (2022). Newman Media

Marahil hindi na bago sa pandinig natin ang mga salitang “Dyaryo kayo d’yan!” at  “Sa ulo ng mga nagbabagang balita“ dahil ito ang naging pangunahing paraan ng pagkonsumo ng mga Pilipino sa tradisyunal na media. Ang radyo, dyaryo, at telebisyon ay ang mga halimbawa ng unang medium na ginagamit upang malaman ang balita tungkol sa media, impormasyon, showbiz, libangan, at marami pang iba.

Ang dyaryo ay madalas na binabasa sa umaga o ‘di kaya ay kalagitnaan ng byahe. Ito ay uri ng medium na napasailalim sa “print media” na nahahati sa iba't ibang seksyon kung saan nakapaloob ang opinyon, negosyo, sports, at libangan. Ito ang kadalasang ginagamit bilang batayan para sa mga importanteng impormasyon at masinsinang pagbasa. Ilan sa mga kilalang dyaryo at pahayagan na ginagamit ng mga Pilipino ay ang:

  • Manila Bulletin - Isa ito sa pinakamatandang pahayagan ng bansa. Ito ay kilala dahil sa malawak nitong saklaw.
Image Source: Manila Bulletin Newspaper issue (2023)
Image Source: Manila Bulletin Newspaper issue (2023)
  • Philippine Daily Inquirer - Ang pahayagang ito ay kilala dahil sa kanilang gawang broadsheet, kilala rin ito dahil sa balense at detalyadong estilo ng kanilang pagbabalita.
Image Source: Philippine Daily Inquirer Newspaper Issue (2023). Inquirer.net Facebook Page
Image Source: Philippine Daily Inquirer Newspaper Issue (2023). Inquirer.net Facebook Page
  • The Manila Times - Isa sa pinakamatandang pahayagan sa Pilipinas na itinatag noong 1989.
 Image Source: The Manila Times Newspaper Front Page (2025). The Manila Times
Image Source: The Manila Times Newspaper Front Page (2025). The Manila Times

Sa kabilang banda, ang radyo naman ay isang medium para sa media na madalas pinapakinggan sa bahay, opisina, lansangan, at sasakyan. Ito ay madalas na ginagamit upang magbigay balita sa taong bayan sa pamamagitan ng public service announcement. Isang halimbawa nito ang DZMM 630 AM (Teleradyo Serbisyo). Mayroon ding mga istasyon para sa libangan gaya ng drama, talk show, at musika. Isang magandang halimbawa rito ang Love Radio (90.7 FM). Ang radyo ay may kakayahan ding makipag-ugnayan nang direkta sa mga tagapakinig, ito ang dahilan kung bakit nananatili itong mahalangang medium ng balita. Sa paglipas ng panahon, maraming nakilalang tao at istasyon ng radyo tulad na lamang ng mga sumusunod.

  • DZMM 630 AM (Teleradyo Serbisyo) - kilalang sikat na personalidad sa istasyon na ito sina Ted Failon (Left) at Arnold Clavio (Right).
 Image Source: ABS-CBN confirms Ted Failon leaves network, 'TV Patrol’ (2020). Philippine star
Image Source: ABS-CBN confirms Ted Failon leaves network, 'TV Patrol’ (2020). Philippine star
Image Source: Kapuso for over 30 years: Arnold Clavio renews ties with GMA Network’ (2024). Daily Tribune
Image Source: Kapuso for over 30 years: Arnold Clavio renews ties with GMA Network’ (2024). Daily Tribune
  • Love Radio 90.7 - Sumikat ang katagang “Kailangan pa bang i-memorize yan?” sa istasyong ito. Isa sa pinakasikat na DJ sa bansa ang Love Radio DJ na si Nicole Hyala. 
Image Source: Radio Star Turns to HBS Online to Polish Her Business Skills for a New Managerial Role (2022). Harvard Business School Online
Image Source: Radio Star Turns to HBS Online to Polish Her Business Skills for a New Managerial Role (2022). Harvard Business School Online

Ang huli sa tradisyunal na media na hanggang sa ngayon ay ginagamit sa pagkonsumo ng balita ng mga Pilipino ay ang telebisyon. Kumpara sa dalawang halimbawa ng medium para sa media, ang telebisyon ay may kombinasyon ng audio at visual elements kaya’t mas madali itong maintindihan at mas mapapadali rin ang pagkonsumo ng balita kung kaya’t nananatili pa rin itong buhay kahit na sa panahon ng pag-usbong ng Social Media. Ilan sa mga popular na programa sa telebisyon ay: 

  • 24 Oras - Ang pangunahing broadcasting show ng GMA Network. (Left)
  • TV Patrol (Kapamilya Channel, A2Z, at online) - Ang pinakapopular na broadcasting show ng ABS-CBN. (Right)
Image Source: 24 Oras is Philippine TV’s No. 1 show in 2023, kicks off 2024 on top spot (2024). GMA Network
Image Source: 24 Oras is Philippine TV’s No. 1 show in 2023, kicks off 2024 on top spot (2024). GMA Network
   Image Source: News Services Daily news from around the world (2020). Bazereport
Image Source: News Services Daily news from around the world (2020). Bazereport

Ang Modernong Media ng mga Pilipino

Image Source: How Do Filipinos Use Social Media? (2024). BeGlobal E-commerce Corp.
Image Source: How Do Filipinos Use Social Media? (2024). BeGlobal E-commerce Corp.

Sa kasalukuyan, nagkakaroon ng pag-unlad at pagbabago ang teknolohiya. Kasabay ng pag unlad na ito ay ang pagdiskubre sa Social Media. Ito ay tumutukoy sa digital na plataporma o aplikasyon na ginagamit sa pakikipag-ugnayan, pagkakaroon ng interaksyon, at pagbabahagi ng impormasyon sa internet. Saklaw nito ang mga website at mobile apps katulad ng Facebook, X (Twitter), Instagram, Youtube, at Tiktok.

Ang Pagkonsumo ng Balita ng mga Pilipino gamit ang Tradisyunal at Modernong Media

Ayon sa ginawang pagsasaliksik ng Philippine News Agency, The Pahayag Survey (2024) na ginawa noong Setyembre 15 hanggang 19, taong 2024, tinatalang nasa 66% porsyento ng sumagot sa survey ang nagsasabing ginagamit nila ang telebisyon bilang pangunahing pinagkukunan ng balita. At tinatayang nasa 28% naman ang mga tinatangkilik pa rin ang “print media” habang 27% porsyento naman ng mga sumagot sa survey ay gumagamit ng radyo.

Ayon naman sa survey na ginawa ng Statista Digital News (2024) sa Pilipinas noong January hanggang February 2024, tinatayang nasa 61% na porsyento ng kalahok sa survey ay nagsasabing ang platapormang Facebook ang kanilang pangunahing pinagkukunan ng impormasyon. Maliban pa dito, ang ibang plataporma sa modernong media na ginagamit sa pagkonsumo ng balita ay Youtube at Facebook Messenger. Tinatayang nasa 45% porsyento at 26% porsyento ng mga lumahok sa survey ang gumagamit nito.

Nangangahulugan lamang na mas maraming tumatangkilik at nagtitiwala sa mga balita na kanilang nakokonsumo sa modernong media. Kung atin itong iisipin, maraming dahilan kung bakit mas marami ang gumamit ng medium na ito para sa pagkonsumo ng balita.

Bakit Social Media na?

Ang teknolohiya ay isang bagay na ginawa at patuloy na ipinagpapabuti upang mas maging madali at mabilis ang lahat ng bagay. Lamang ito sa tradisyunal na media sa maraming paraan kaya naman maraming dahilan kung bakit tinatangkilik ito ng mga Pinoy pagdating sa pagkonsumo ng balita. Ilan sa mga rason ay:

Accessibility at Availability - Dahil sa sobrang dali lamang ma-access ng kahit na sino ang mga impormasyon na makikita at maaaring makonsumo sa modernong media. Isang pindot o click lamang ay malalaman mo na agad ang mga balita gamit ang iyong smartphone, tablet, o computer. Maari mo rin itong makita kahit nasaan ka man o kahit anong oras man.

Real Time Update - Kumpara sa tradisyunal na media, ang modernong media ay mas mabilis na nakakasagap at napapakalat ang balita at maaaring baguhin, i-update, o i-edit ang nilalaman ng balita real time.

Malawak na Saklaw - Ito marahil ang isa sa rason kung bakit marami ang gumamit ng modernong media bilang kanilang pangunahing pinagkukunan ng balita. Malawak ang saklaw ng mga plataporma sa internet at iba’t ibang tao sa buong mundo ang makaka-access nito. Kumpara sa tradisyunal na media na mayroon lamang limitadong saklaw katulad ng lokal na pahayagan at radyo.

Ang mga Problemang Kaakibat ng Modernong Media

 Image Source:  Social Media in the Philippines Facts and Statistics [2025] (2024). Spiralytics
Image Source: Social Media in the Philippines Facts and Statistics [2025] (2024). Spiralytics

Sa kasalukuyan, ginagamit ng marami ang iba't ibang makabagong medium gaya ng social media applications, websites, at ang internet upang makakuha ng balita. Bagama't mas mabilis na ang pag-access sa mahahalagang impormasyon sa panahon ngayon, kaakibat nito ang iba't ibang hamon at butas sa paggamit ng modernong media.

Isang malaking suliranin na kinakaharap ng modernong media, partikular na sa social media, ay ang kakulangan ng kredibilidad ng ilang mamamahayag ng impormasyon. Hindi tulad ng mga tradisyunal na medium gaya ng telebisyon, radyo, at dyaryo na mayroong bihasa at propesyonal na mamamahayag, bukas ang social media para sa sinuman—anuman ang kanilang antas ng kaalaman o kredibilidad. Dahil dito, nagiging madali para sa mga hindi eksperto o walang sapat na kaalaman na maglabas ng impormasyon na maaaring hindi tama, mapanlinlang, o walang sapat na batayan. Ito ay nagdudulot ng panganib sa publiko, dahil maaaring kumalat ang maling impormasyon na nagiging sanhi ng kalituhan at maling paniniwala.

Karugtong nito ang suliranin na patungkol sa kredibilidad ng balita. Dahil sa dami ng maaaring pagkunan ng impormasyon, mahirap nang tukuyin kung ano ang totoo sa hindi. Ilang mga plataporma o aplikasyon ang maaaring maimpluwensyahan ng iba't ibang interes, dahilan upang makaapekto ito sa patas at makatotohanang pagbabalita.

Panghuli, ay ang pagkiling o pagiging bias na pagbabalita sa modernong media. May mga plataporma at aplikasyon sa social media na may kinikilingan na nagreresulta sa hindi patas na pagpapahayag ng impormasyon. Dahil dito, nabubuo ang opinyon ng publiko o ng mga taong nakakabasa at makakapanood batay lamang sa kung ano ang isang panig ng kwento.

Mahalagang bigyang pansin ang mga suliraning kinakaharap ng modernong media dahil sa ito ay nagdudulot ng hindi angkop na pagkonsumo ng balita. Kung hindi maagapan, maaari itong maging sanhi ng malaking problema sa paraan ng pagtanggap ng balita ng mga Pilipino.

Ang Tradisyonal at Modernong Media sa Panahon Ngayon

Image Source: Argana, R. (2025)
Image Source: Argana, R. (2025)

Sa kasalukuyan kung saan mabilis ang daloy at pagpapalaganap ng impormasyon, ang tradisyunal at modernong media ay may mahalagang gampanin sa ating pang-araw-araw na buhay. Ang tradisyunal na media gaya ng dyaryo, radyo, at telebisyon ay nananatiling matibay na pundasyon ng balita at impormasyon dahil sa mataas na antas ng kredibilidad at propesyonalismong taglay ng mga mamamahayag na nasa likod nito. Ito ay dumaraan sa masusing pagsusuri at balidasyon bago mailahad sa publiko, kaya’t ito ay patuloy na kinikilingan at pinagkakatiwalaan ng marami. Samantala, ang modernong media, partikular na ang mga plataporma at aplikasyon sa social media, ay nag-aalok ng mas mabilis at malawak na access sa komunikasyon, pakikilahok, at pagbabahagi ng impormasyon. Nagbibigay ito ng boses sa mga ordinaryong mamamayan.

Gayunpaman, kaakibat ng kalayaang ito ay ang panganib ng maling impormasyon, dahil hindi lahat ng gumagamit ng social media ay bihasa o may sapat na kaalaman sa pagbabahagi ng tama at mapanuring nilalaman. Kaya’t sa halip na pagpilian kung alin ang mas mahalaga, dapat nating matutunan kung paano epektibong gamitin ang parehong uri ng media. Sa pamamagitan ng tamang pag-unawa, mapanuring pag-iisip, at responsableng paggamit ng mga ito, masisiguro nating ang media—mapa-tradisyunal man o moderno ay magiging instrumento ng kaalaman, katotohanan, at makabuluhang pagbabago sa paraan ng pagkonsumo ng balita ng mga Pilipino. Sa ganitong paraan, hindi lamang tayo nagiging tagapagtanggap ng impormasyon, kundi aktibong kalahok din sa isang mas matalino at mapanagutang lipunang may layuning itaguyod ang tama, totoo, at makabuluhang diskurso.

References:

Ahmad, I. (2018, April 27). The History of Social Media [Infographic]. Social Media Today. https://www.socialmediatoday.com/news/the-history-of-social-media-infographic-1/522285/

Balita, C. (2024, June 18). Most used social media channels as news source Philippines 2024. Statista. https://www.statista.com/statistics/1219853/philippines-leading-social-media-news-source/#:~:text=According%20to%20a%20survey%20conducted,26%20percent%20of%20respondents%2C%20respectively.

Barangas, K. (2024, April 19). How Do Filipinos Use Social Media?. BeGlobal E-commerce Corp. https://beglobalecommercecorp.com/how-do-filipinos-use-social-media/

Caparas, J. (2024, December 16). Social Media in the Philippines Facts and Statistics [2025]. Spiralytics. https://www.spiralytics.com/blog/social-media-in-the-philippines-facts-and-statistics/

Cervantes, F. M. (2024, October 4). Internet, TV, Facebook still top sources of info, news - survey. Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1234760

Chua, Y. T. (2024, June 18). Facebook, other traditional socmed platforms wane as news sources in PH—Digital News Report 2024. ABS-CBN News. https://www.abs-cbn.com/news/2024/6/16/facebook-other-traditional-socmed-platforms-wane-as-news-sources-in-ph-704

Gillis, A. S. (2024, December 2024). Traditional media vs. new media: Differences, pros and cons. TechTarget. https://www.techtarget.com/whatis/feature/Traditional-media-vs-new-media-Differences-pros-and-cons

Guevara, R. (2022, November 15). Anyone Remember Newspapers?. M2.0 Communication. https://m2comms.com/2022/11/15/anyone-remember-newspapers/

Kapuso for over 30 years: Arnold Clavio renews ties with GMA Network’ (2024, December 7). Daily Tribune. https://tribune.net.ph/2024/12/07/kapuso-for-over-30-years-arnold-clavio-renews-ties-with-gma-network

Manila Bulletin Newspaper Issue Vol. 603 No. 2 Front Page (2023, March 2). Magzter. https://www.magzter.com/PH/Manila-Bulletin-Publishing-Company/Manila-Bulletin/Newspaper/1235669

Medina, T. (2022, August 12). Will Traditional Media Go Extinct?. Newman Media. https://newman-media.com/will-traditional-media-go-extinct/

News Services; Daily news from around the world (2020). Bazereport. https://www.bazeport.com/news/

Philippine Daily Inquirer Newspaper Issue Vol. 38 No. 361 Front Page (2023, December 6). Inquirer.net Facebook Page. https://www.facebook.com/photo/?fbid=754686893508935&set=a.10155304697659453

Reynolds, M. (2022, May 5). Radio Star Turns to HBS Online to Polish Her Business Skills for a New Managerial Role. Harvard Business School. https://online.hbs.edu/blog/post/nicole-hyala

Ted Failon leaves ABS-CBN (2020, August 30). ABS-CBN Corporate. https://corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases/2020/8/30/ted-failon-leaves-abs-cbn?lang=en

The Manila Times Newspaper Front Page (2025). The Manila Times. https://www.manilatimes.net/2025/01/14/print-edition/the-manila-times-front-page-january-14-2025/2037770

24 Oras is Philippine TV’s No. 1 show in 2023, kicks off 2024 on top spot (2024, February 7). GMA Network. https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/109543/24-oras-is-philippine-tvs-no-1-show-in-2023-kicks-off-2024-on-top-spot/story#:~:text=1%20show%20in%202023%2C%20kicks%20off%202024%20on%20top%20spot,-Published%20On%3A%20February&text=Viewers%20from%20Luzon%2C%20Visayas%2C%20and,one%20TV%20program%20in%202023.

Westerman, D., Spence, P. R., & Der Heide, B. V. (2014, January 1). Social Media as Information Source: Recency of Updates and Credibility of Information. Journal of Computer-Mediated Communication, Volume 19, Issue 2, Pages 171–183, https://doi.org/10.1111/jcc4.12041

Anong masasabi mo sa usaping ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top