BEEP! BEEP! BEEP! ANG SABI NG JEEP: LOOKING THROUGH THE WHEELS OF THE CLASSIC FILIPINO JOB; PAMAMASADA
Image Source: Villanueva, Q. F. M.
"Ang siksikan ng mga pasahero, ang ingay ng samo't saring kwentuhan sa byahe, ang amoy ng gasolina at pawis—Ito ang marka ng pagsakay sa isang jeepney.
Ngunit sa likod ng mga makukulay na disenyo at masayang kwentuhan sa loob, hindi pa rin talaga maiiwasan ang mga nagtatagong isyu patungkol sa modernisasyon, kaligtasan, at
ang pagpapanatili ng abot-kayang pamasahe para sa ating mga Pilipino."
By Jervie Masibag and Quinn Villanueva
March 23, 2025
Gulong ng Buhay
Ayon kay Cruz (2019), tinatayang nasa 200,000 jeepneys ang meron sa Pilipinas, ito rin ang pinaka-dominant form ng public transportation dahil sa abot-kayang presyo ng pamasahe para sa masa, lalo na sa mga taong nasa low economic status, at isa rin itong form of livelihood para sa libu-libong tsuper at mga konduktor.
Ayon sa isang study ng Philippine Transport Journal, ang jeep ay isa sa mga dahilan ng polusyon sa hangin. 48.05% of particulate matter, 27% of SOx, and 21% of NOx emissions, lalo na sa Metro Manila. Ang air pollution na ito ay nakakaapekto sa sistema at kalusugan ng bawat tao, kaya naman napagdesisyonan ng gobyeno na isulong ang “Jeepney Phaseout” na naglalayong i-modernized at ipa-phase out ang mga lumang jeep bilang parte ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) noong June ng 2017 para mapalitan ang mga lumang jeep ng mga mini-buses o electric jeepney (e-jeep) na sinasabing mas ligtas, mas efficient, at environment-friendly vehicles. Gayunpaman, marami ang nagsasabi na ang jeepney phaseout ay hindi isang solusyon na agad malulutasan ang mga problemang kinakaharap ng mga tradisyunal na jeep at paniguradong aabutin pa ng maraming taon bago ito maipatupad nang tuluyan dahil hindi lahat ng tsuper ay kayang bayaran ang presyo ng isang e-jeep na umaabot sa mahigit tatlong milyon ang halaga.
Kaya nga ba talagang lutasin ng Jeepney phase out ang mga suliraning kinakaharap at ibinibigay ng mga tradisyunal na jeep?
Ang Pagharurot ng mga Tsuper
Balak ng Transport Group na Manibela na magsagawa ng tatlong araw na transport strike na magsisimula sa March 24 at tatagal hanggang March 26 upang ipakita ang kanilang protesta sa jeepney phase out sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila. Sa kabuuan, tinatayang umabot na sa labingwalo ang mga protestang nailunsad ng transport group simula noong nabuksan ang usapin patungkol sa jeepney phaseout. Tatlong beses noong taong 2017, dalawa naman noong 2018, at isa noong 2019. Simula noong pumasok ang pandemya, natigil ang pagsasagawa ng malawakang transport strike hanggang 2022, ngunit sa pagpasok ng taong 2023 hanggang kasalukuyan, labindalawang transport strike na ang naisagawa. Maraming jeepney drivers ang naglabas ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagpoprotesta. Ngunit sapat ba ito upang maipakita ang tunay na layunin ng ating mga tsuper?

Nais ng ating mga Road Heroes (mga tsuper) na ipaglaban ang mga Road Warriors (mga pasahero) dahil ang pagpapatupad ng jeepney phase out ay isang desisyon na lubhang makakaapekto, hindi lamang sa kanilang hanapbuhay, kundi pati na rin sa ating mga komyuter na araw-araw humaharap sa mainit at mausok na kalsada.
Ayon kay Africa (2024), ang kita ng jeepney driver sa isang araw ay nag e-estimate sa Php 400–Php 500 a day. Minsan naman ay Php1,200–Php 1,300 a day. Kaya naman tinatayang aabutin ng apat hanggang labintatlo at kalahating taon o mas matagal pa para makaipon ng 2 million pesos na ipambibili ng electronic jeepney. Mababaon sa utang ang mga tsuper, at ‘yon ang isa sa mga dahilan kung bakit may mga tao na tumututol sa pag-phase out ng mga tradisyunal na jeep.
“In December 2023, PISTON filed a petition calling on the Supreme Court to issue a temporary restraining order to stop the unconstitutional Jeepney Phaseout. The Supreme Court did not make a decision, forcing PISTON to launch a three-day strike to stop the deadline.” (Lago, 2024)

Maraming naging saloobin ang mga tao sa social media patungkol sa malawakang protestang ito, mayroong sang-ayon sa tigil-pasada, meron namang hindi, at merong namomroblema kung paano babyahe dahil maraming maaapektuhan sa protestang ito.
“Kaya pala ‘di masyadong mausok sa daan” ika ng isang netizen sa isang post ng GMA sa Facebook.

“ANG DAMI KASING HINDI NAKAKA INTINDI DITO PALIBHASA WALA KAYONG MGA JEEP HINDI NYO ALAM ANG IPINAG LALABAN NILA BASTA MAY MASABI LANG KAYO HINDI NYO PINAG IISIPAN NG MAAYOS” saad naman ng isang nagkomento.

“Magsususpend kaya mga schools next week because of the transport strike? Grabe, feeling ko 5 years na puro ganito. Hindi magkasundo, ayaw din patinag ng gobyerno.” ito naman ang naging hinaing ng isang netizen sa kaniyang post sa X.

Sa gitna ng patuloy na pag-unlad ng bansa, lumilitaw ang isang isyu na naghahati sa opinyon ng mga Pilipino— ang modernisasyon ng pampublikong transportasyon. Ngunit sino nga ba talaga ang tunay na makikinabang sa pagbabagong ito”?
Malaking pagbabago ba ang magagawa ng mga electronic jeepney?
Marami sa ating mga tsuper ang natatakot na mawalan ng hanapbuhay dahil sa mataas na presyo ng e-jeep. Ang e-jeep ay may aircon, mas nakakatulong sa pagbawas ng polusyon, at may mga designated na lugar para sa pagsakay at pagbaba ng pasahero. Pero ang problema, hindi kayang bilihin ng karamihan sa mga driver ang e-jeep dahil sa sobrang kamahalan nito.


Ayon kay DOTr Chief Bautista (2023), Layunin ng programa na mas maging komportable ang mga pasahero at mabawasan ang polusyon sa bansa. Nagbibigay ito ng pag-asa na magkakaroon ng positibong epekto ang programa sa transportasyon sa Pilipinas.
Video Source: ANC 24/7 (2023)
Ngunit ang mga Modernong Tambutso ay may Tinatago ring Dumi
Sa likod ng mga benepisyong hatid ng mga electronic jeepney, hindi pa rin maiiwasan ang mga butas dito. Gaya na lamang ng pagkakaroon ng mataas na gastusin hindi lamang sa pamasahe ng mga pasahero, kundi pati na rin sa mga jeepney driver na talaga namang pinakanaapektuhan sa malaking pagbabagong ito. Bukod pa rito, mas mataas din ang tyansa ng suffocation sa mga e-jeep kapag maraming pasahero dahil sa confined space nito para sa air conditioner, at maaari ding hindi sapat ang mga e-jeep kung lahat ng tradisyunal na jeep ay map-phaseout.
Sa kabuuan, kailangan ng mas malalim na pagsusuri upang makita ang tunay na epekto ng jeepney modernization sa lahat ng sektor ng lipunan.
Ang Tinig ng mga Pasahero
Maraming netizens ang naglabas ng saloobin, komento, at suhestiyon sa kani-kanilang mga social media accounts patungkol sa jeepney phase out.
“Jeepneys can be modernized while maintaining its traditional and historical look. This photo shows an ACTUAL modernized jeepney.
It’s made by a LOCAL manufacturer and costs only P1.3 million compared to the minivan proposed by the govt at P2.6 million!
#NoToJeepneyPhaseOut”

Ang Jeepney at mga tsuper bilang simbolo ng kultura ng Pilipinas
Puno ng magagandang kulay at kwento ang jeepney drivers patungkol sa kanilang jeep, marami mang problema ang dumarating dito sa paglipas ng panahon, ang mga tsuper ay patuloy pa rin sa pagbyahe. Tulad ng isang matandang puno sa gitna ng malakas na bagyo, isang maliit na bangka sa gitna ng malakas na mga alon, at isang matarik na bundok na punong-puno ng mga matutulis na bato, ang jeepney ay hindi lamang isang sasakyan, ito ay simbolo ng ating kasipagan, tiyaga, at pagtitiwala. Sa paglagpas natin sa mga hamon, pinatutunayan natin na kaya nating umunlad at mag-adapt sa pagbabago. Sa bawat biyahe, sa bawat istasyon, patuloy nating nararamdaman ang pagiging Pilipino. Mga taong puno ng katatagan at laging may baong kalakasan.

Sa palagay mo? Ang mga pagbabago ba na ito ay lubhang nakakaapekto sa iyo? Ang jeepney ba ay patuloy na magiging simbolo ng pagiging Pinoy sa gitna ng modernisasyon? Bilang isang komyuter na araw-araw lumalaban sa buhay para pumasok at magtrabaho, marapat lamang na alam natin ang nararamdaman ng ating mga dakilang tsuper na naghahatid sa atin sa ating paroroonan.
Bilang isang Pilipino, patuloy nawa tayong maghahanap ng mga paraan upang ang gulong ay patuloy lamang sa pag-ikot, moderno man o tradisyunal. Dahil sa bawat pag-ikot ng gulong ng ating mga jeepney, makikita natin ang pawis, pagod, at pagmamalasakit—hindi lamang ito trabaho, ito ay pagpapakita ng dedikasyon sa paghahanapbuhay at paglilingkod sa kapwa. Ang mga tsuper ang tunay na mga bayani ng lansangan, ang mga taong sinisiguro na tayo’y ligtas at patuloy na makakarating sa ating nais patunguhan.
References:
Africa, S. (2024, January 7). DOTr doesn’t want to admit that jeepney fare hikes are coming. Ibon. https://www.ibon.org/dotr-doesnt-want-to-admit-that-jeepney-fare-hikes-are-coming/?#:~:text=The%20informality%20of%20the%20sector,a%20jeepney%20plying%20that%20route
Boton, C. (2025, March 20). Manibela sets 3-day transport strike. Philstar Global. https://www.philstar.com/nation/2025/03/20/2429696/manibela-sets-3-day-transport-strike/amp/
Cabico, G. K. (2018, March 19). Piston holds another transport strike against jeepney phaseout. Philstar Global. https://www.philstar.com/nation/2018/03/19/1798293/piston-holds-another-transport-strike-against-jeepney-phaseout
Cabrera, R. (2019, September 30). Nationwide transport strike set Sept. 30. Philstar Global. https://www.philstar.com/nation/2019/09/13/1951314/nationwide-transport-strike-set-sept-30/amp/
Cruz, M. (2019, March 26). Change has come for the Philippine jeepneys. Changing Transport. https://changing-transport.org/change-has-come-for-the-philippine-jeepneys/
DOT's Chief: Jeepney Modernization to make passengers more comfortable and reduce emission (2024, July 23). ANC 24/7. https://youtu.be/0xC86nDtybg?si=Z5VFF3HNJs0fBaM6
Jeepney drivers to hold strike Monday (2017, February 25). ABS-CBN News. https://www.abs-cbn.com/news/02/25/17/jeepney-drivers-to-hold-strike-monday
Lago, T. (2024, May 10). The Jeepney Phaseout Is Hurting the Real Drivers of Change. Green Network. https://greennetwork.asia/opinion/the-jeepney-phaseout-is-hurting-the-real-drivers-of-change
Morallo, A. (2017, October 16). Palace suspends gov't work, classes in all levels on October 17. Philstar Global. https://www.philstar.com/headlines/2017/10/16/1749684/palace-suspends-govt-work-classes-all-levels-october-17
Pascual, J. (2017, February 6). Libo-libo, stranded dahil sa tigil-pasada kontra jeepney phaseout. ABS-CBN News. https://www.abs-cbn.com/video/news/02/06/17/libo-libo-stranded-dahil-sa-tigil-pasada-kontra-jeepney-phaseout
Pontawe, J. (2018). Examining the Potential Significance of Industry Consolidation and Fleet Management in Implementing the DOTr’s PUV Modernization Program: A Case Study of 1TEAM. https://ncts.upd.edu.ph/tssp/wp-content/uploads/2018/08/Pontawe18.pdf
Traffic heavy as transport groups rally vs. jeepney phaseout plan, oil price hikes (2018, June 25). GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/metro/658059/traffic-heavy-as-transport-groups-rally-vs-jeepney-phaseout-plan-oil-price-hikes/story/